* Jaysen POV * Nakatitig parin ako sa babaeng nakaupo parin hanggang ngayon sa lap ko. Ngayon ko lang napansin na napakaganda niya pala sa malapitan. Hindi mo masasabing isa siyang lokang-lokang babae dahil sa maamo nitong mukha. " Alam kung maganda ako kaya huwag muna akong titigan. At please lang kung wala ka namang balak na samahan talaga ako. Bitiwan muna ako at kina Andrew nalang ako magpapasama. " sabi nito sa akin. Hindi ko parin kasi binibitawan ang pagkakahawak ko sa bewang nya. Ewan ko, pero simula ng hinila ko siya paupo sa lap ko kanina. Parang gustuhin ko nalang na ganito ang posisyon naming dalawa. Napatingin ako sa labi niya. Napangiti ako ng maalala ko yung paghalik ko sa kanyan kanina. Hindi ko naman talaga gagawin yun. Kaya lang naaattract kasi ako sa labi niya kaya

