Dinala namin si Red hair sa hospital para ipagamot yung mga sugat nya sa likod. Ang dami niya nga pasa sa likod, hindi na mabilang. Nakakabwesit kasi ang matandang yun! Anong ginawa ng mga bata sa kanila para sakta sila ng ganun. Mabuti nalang naging maayos na ang pakiramdam ni Red hair at hindi ganun kalala yung mga pasa niya sa likod. Kung hindi baka kung ano pa ang magawa ko sa matanda na yun. At yung kapatid niyang si Amae, pinatingnan na rin namin dahil baka may sakit yung bata. Natatandaan niyo ba yung araw na muntik na akong tumalon sa sasakyan ni Jaysen habang nagmamaneho siya? Si Amae yung batang nakita ko noon habang nagtitinda ng sampaguita sa gilid ng simbahan. Naaawa kasi ako kaya pinuntahan ko siya. Hindi ko naman alam na magkapatid pala sila ni Red hair. Pauwi na kami sa

