* Mandy POV * Kanina pa ako gising, nakapagbihis narin ako ng school uniform. Maayos narin yung mga gamit ko. Kaya lang hindi pa ako lumalabas sa kwarto ko simula pa kanina. Baka kasi, gising na si Jaysen. Alam ko naman kasi na magagalit yun sa akin dahil sa ginawa ko sa kanya kagabi. Pero maaga pa naman, kaya baka tulog pa yun. Kaya lumabas na ako sa kwarto at bumaba na ng hagdan. Nakahinga naman ako ng maluwag ng makita siyang natutulog parin. Kaya dahan-dahan akong lumakad papunta sa may kusina para hindi siya magising. Lumapit ako sa may ref para tingnan kung ano ang lulutuin ko. Kaya lang, pagbukas ko ng ref. Napasigaw ako ng malakas. As in sobrang lakas. " Anong nangyari sayo, may balak kabang dito maligo? " sabi ni Jaysen na nakasandal pa sa pintuan ng kusina. " Ikaw ba ang may

