" Lagot talaga ako nito kay Jaysen. Siguradong magtataka yun kapag nakita niya yang hiwa mo sa kamay. " sabi ni Andrew. Ewan ko nga sa gagong toh. Kanina pa hindi mapakali at kanina niya pa sinasabi ang mga salitang yan. " Tumahimik ka nga dyan Andrew. Kanina pa ako naiinis sa iyo ha. " sabi ko sa kanya. Nandito kami sa labas ng Van ni Ren, ginagamot nila yung sugat ko. Natapos kasi ang laban na ako yung nanalo. Kaso nga lang, hindi ko napatay si Dave dahil matapos ko siyang barilin sa balikat at paa niya, bigla nalang itong tumakas kasama ang mga galamay niya. " Paano ako hindi matatahimik, Mandy? Nangako ako sa asawa mo na iuuwi kita ng walang galos. Pero ito ka ngayon, may hiwa sa kamay. " sabi pa nito. Napakunot naman ang noo ko sinabi niya. Ano naman ang pakialam ni Jaysen kung m

