Kanina pa ako nag-aabang dito na lumabas yung sasakyan na kanina ko pa hinihintay. Ang binigay lang nila sa akin ay yung color at plate number ng sasakyan, at kung saan ko ito makikita. Hindi nila sinabi sa akin kung sinong tao ang nagmamaneho doon, dahil wala na daw dahilan para malaman ko ang bagay na yun. And as if naman na intiresado ako sa bagay na yun.Pera lang naman ang habol ko dito e, at kailangan kung tapusin ang trabaho ko para makuha ko ang bagay na yun. Napaayos na ako ng upo at pinaandar yung makina ng motor na hiniram ko lang ng mapansin ko yung sasakyan na kanina ko pa hinihintay. Agad ko naman itong sinundan ng makalabas na siya ng parking lot. Ilang oras pa ang ginawa kung pagsunod sa kanya bago ko gawin ang balak ko. At ng masigurado kung wala ng mga sasakyan ang nakad

