* Mandy POV * " Dumating din kayo. " sabi ko sa kanila. " Syempre naman, papalampasin ba naming hindi ka makitang maglaro. " nakangiting sabi ni Gray. " Ang hanip mo talaga Mandy. Kahit sa laro hindi ka magpapatalo. " nakangising sabi ni Kenji. " Kung sa labanan hindi ako nagpapatalo. Sa isang simpleng sports pa kaya. " nakangiting sabi ko sa kanila. Nandito kami sa loob ng room, dahilan para magsitinginan sa kanila ang mga kasama kung mga babae dito. Hindi na ako magtataka kung bakit kinikilig ang mga babae dito. Ikaw ba namang makakita ng mga gwapo hindi ka kikiligin? Idagdag mo na si Kyle na kasama nila ngayon at todo pa cute sa mga kaklase ko. Si Kenji naman, na nagkukuha ng mga litrato sa mga babae na todo pacute din. Pero sina Gray at Andrew dedma lang. Lagot sila sa mga girlfri

