Tarantadong matanda na yun! Gusto niya ako makuha pero siya naman itong takas ng takas, duwag ba siya? Baka natatakot siya dahil wala ngayon si Dave sa tabi niya. Hanggang ngayon kasi, hindiparin namin matukoy kung saan nagtatago ngayon si Dave, ni kahit paramdam wala nga lang. O baka naman nagtatago na din ang isang yun? " Boss, kailangan munang magmadali lumabas, malapit ng sumabog ang bomba. " natatarantang sabi ni Cyrus. " Si Kenji nasaan? " tanong ko sa kanya. Kanina ko pa kasi hindi naririnig ang boses ng lalakeng yun, kaya hindi ko alam kung saang lupalop na naman nagpunta ang taong yun. " Kanina pa siya nasa labas Boss. ikaw nalang ang hinihintay niya. " sabi pa nito F*ck! Nasa second floor palang ako eh. Kaya paano ako makakalabas agad dito? Bahala na nga! Pumasok ako sa

