* Jaysen POV * Nag-iinit na talaga ang ulo ko sa babaeng yun simula nang makilala ko siya. At walang oras na hindi ko magawang hindi mainis sa kanya! Idagdag mo pa kagabi na malakas siyang isinarado ang pinto ng kotse ko. Hindi niya ba alam na ang mahal ng pagkabili ko dito! At hindi niya yun kayang bayaran. At dinagdagan niya pa ngayon, wala man lang siyang pakialam na sigawan at magalit ako sa kanya. Kung ang iba natatakot na makita akong nagagalit. Siya naman parang wala lang sa kanya. At talagang nagawang niya pang ipinikit ang mga mata niya habang ako dito, parang sasabog na ang ulo sa pinagagawa niya. Siya lang yung taong nakilala ko na hindi magawang matakot sa akin. " Akala ko ba may meeting ka pa? Bakit hindi mo na lang paandarin itong sasakyan mo sa halip na titigan ako. " nak

