Pagkaraan ng ilang oras na pagpapahinga, umalis na ako sa mansion at dumiretso sa company ni Jaysen pero hindi naman ako pumasok. Nandito lang ako sa labas sakay ng motor ko habang nakatingin sa taas kung nasaan ang office niya. Gusto ko sana siyang kausapin kaya lang nasabi sa akin nina Annika kanina na nagkaroon daw ng problema sa company nito at yun din daw ang dahilan kung bakit pumasok daw ito. Ilang araw na daw kasi itong hindi pumapasok sa company niya simula nong nangyari. Gusto ko sana siyang kausapin o magkausap lang naman kami para matapos na ito kung ano ba talaga ang namamagitan sa aming dalawa o kung meron pa? Kaya lang ayaw ko namang dumagdag pa sa problema niya, baka sa susunod na araw nalang siguro kapag nagkataon. Muli akong napatingin sa office ni Jaysen at napapabunto

