I LOVE YOU, LUPA MAN AKO
written by: Blackrose
Chapter 4 -Nicolas San Agustin
-------,--'--,-'-{@
*Nicolas' Lair*
"You're the one who never let's me sleep.. To my mind down to my soul you touch my lips. You're the one that I cant wait to see.. With you here by my side i'm in ecstasy. I am all alone without you... My days are dark without the glimpse of you. Now that you came into my life I feel complete.. The flowers bloom my morning shines and I CAN SEEEEEEEE!!!!"
Yes, that's me singing! Marunong naman ako kumanta, hindi nga lang masyado halata. Lol.
"YOUR LOOOOVE SAM IS LIKE A SUN THAT LIGHTS UP MY WHOLE WORLD.. I FEEL THE WARM INSIDEEEEEEEEEEEE! OOOHH YEAH BABYYYYYYYYYY!!!!!"
I'm preparing for class now, kasi Monday... I need to be early para early morning inspired agad.
"YOUR LOOOVE SAM IS LIKE A RIVER THAT FLOWS DOWN THROUGH MY VEINS... I FEEL THE CHILL INSIIIIIIIIIIDDDDDEEEEEEE! OOOHH YEEEAHH BEBEEEEEEEE!!! BABY, BABY, BABY OOOOHHH...!!!
Actually before, when 1st year college pa lang ako, I've met her already. Si Samantha Marie Diones. Sobrang ganda niya! Yun lang ang only phrase that comes right out of my mouth the very moment I saw her at the cafeteria. And from that day on, I never take my eyes off her. She's so simple but you'll immediately see that she is a rare of a kind na para bang isang delicate figurine na anytime pwedeng mabasag kapag mali ang pagkakahawak mo. I never saw her where any make-ups unlike sa mga women na umaaligid sa akin yet she's so beautiful parin. Naka-pony lang siya always ng hair niya. Powder lang yata ang gamit niya. I never smelled her wearing any expensive perfumes, para ngang soap lang ang gamit niya but grrrrrrraabeee men! Ang bango niya!! (with matching kilig pa yun ha) Ilan weeks lang pinalipas ko para maging close to her... mailap kasi, then I started courting her. Minsan kahit hindi ako gutom, andun ako sa canteen. Kahit ano oorderin ko basta siya lang ang mag-assist sa akin at basta makita ko lang siya. Palagi niya nga lang akong tinatarayan but ganon talaga siguro when you've been hitted by Cupid's powerful arrow... I CAN'T RESIST HER CHARM!!! Siya lang kaya ang hinahabol-habol ko ng ganito. My barkada nga told me once to quit on her at marami naman daw iba sa paligid, but, ayoko talaga. Siya lang talaga yata ang para sa akin. Although until now eh bigo parin ako sa panliligaw ko to her.. HAHA! Ilan beses na nga niya ako binasted! But, as the saying goes.... TRY AND TRY UNTIL YOU SUCCEED!! I am still pursuing her at sana hopefully one day ay mapapansin niya rin ako and she will see that I am true to her kahit pa madalas ay inaasar ko siya.
Kaya nga I'm excited today na pumasok. 6:25am pa lang but I know andun na si Sam sa canteen. 10:00am pa talaga ang first class ko. Dun na ako magbe-breakfast habang tinatanaw ko siya. Waaaaahhhhhhh!! Kilig to the bones, hehe! Tapos na ko maligo but matagal talaga ako sa salamin. I need to be presentative and mabango at the same time ay ever handsome today.
"Sir Nicolas. Andito na po yung pina-deliver niyo kagabi Sir."
"Sige Yaya, I'll be there in a minute."
I signed the paper then handed it back sa messenger. Right on time talaga ang flower shop na ito. Never pa talaga pumalya ever since. Kagabi ko ito inorder pero I told them that I need it this morning. Actually 7am ang usapan, napaaga pa nga. Anyway, I put it muna sa table then umakyat muna ako ulit sa room ko.
"To whom is this for hijo?" usisang tanong ni mommy sakin.
"For my special girl mom." sabi ko habang pababa ng stairs dala ang polo ko.
"Si Sam parin ba until now hijo?"
"Yes mom."
"I should meet her some time. Invite her here for dinner son. I'd like to meet her. By the way, Happy Birthday Baby!!" she hug me then kiss me sa forehead.
"Yes mom, thank you po you remember pala my birthday today."
Right! Today is my 21st birthday! Debut daw namin mga guys, as they say. Kaya maaga rin ako nagising today dahil dun. 21 yrs old na ako yet 3rd year college pa lang ako? Hehe.. Alam na. Huwag ng tanungin pa why, ok?!
"Goodluck son, you can do it. Impress her. Be kind to her. Make her feel special and.."
Pinutol ko na ang sinasabi ni mommy cause hahaba na naman ang usapan. She'll tell pa their story ni daddy during their ligawan days, etc etc. "Ok mom, I know na po what to do." I kiss her sa cheeks, "got to go mom. Where"s dad pala?"
"As usual nasa library niya."
"Just tell him I left already ha mom?"
"Okay Son. Don"t forget the party tonight. Everything is settled. You should bring her here tonight Son so we can meet her finally."
"I'll try mom, hopefully. Bye mom, got to go." I kiss her again then off I go to see my soon-to-be girlfriend. Haha. I won't stop not until she'll be my girl.
*St. Matthew's Extension*
"O ang aga mo yata today Sir Nicolas." sitang sabi ni Julia habang nagwawalis.
"Hi Julia, si... Sam ba andyan na?"
"Naku wala pa po Sir pero on the way na daw po yun. Mga ganitong oras ay usually dumadating na po si Sam." napatingin si Julia sa flowers na dala ko. "Wow Sir! Ganda niyan ha, para kay Sam ba yan?"
"Oo. Birthday ko kasi ngayon kaya bibigyan ko siya ng flowers."
"Baliktad yata ano Sir. Ikaw ang may birthday tapos ikaw ang magreregalo. Hehe."
"By the way Julia, may lakad ba kayo mamaya ni Sam? I mean after niyo dito eh uuwi na ba kayo straight sa mga houses nyo?"
"E opo Sir. Bakit po?"
"Kasi may party mamaya sa bahay, I'd like sana to invite si Sam, you at si Lanie narin. Yun ay if okay lang sa inyo?"
"Sige Sir. Pero matagal na pilitan ito kay Sam."
"Alin ang matagal na pilitan sa akin Julia?" sabi ni Sam pagkapasok sa canteen.
"Ahh.. ehh.. ano.." utal na sagot ni Julia.
"Hi Sam. Good morning." sabing lapit agad ni Nicolas sa akin.
OMG! Ang aga naman ng kumag na ito dito. Ano na naman kayang pahangin ang eksena nito ngayong umaga. Isang pilit na ngiti ang ginanti ko sa kanya. "Good morning Sir."
"Nicolas na lang Sam ang itawag mo sakin. Ahmm... by the way Sam, is it okay na makausap kita kahit sandali lang? Mabilis lang din habang magkakape lang ako?" nahihiyang sabi niya sabay yuko.
Aba! Mukhang mabait yata ngayon si Hangin, ano kayang meron? Tumango na lang ako para pagbigyan siya at ng makaalis na ito. Umupo kami sa two-seaters area kung saan agad kong napansin ang flowers sa mesa. Eto?! tanong ko sa isip ko. Panong nangyari na andito ito? E sa pagkakantanda ko nasa drawer ang mga bulaklak na 'to kanina bago ako umalis at nasa vase pa yun. Imposible naman naglakad dito ang mga bulaklak.
"Sam for you pala?" abot ni Nicolas sa akin ng isang dosenang long-stemmed red roses. Ang pinagkaiba lang nito sa bulaklak ko sa bahay ay nakaayos ito at my card. "Sana magustuhan mo."
"Galing sa'yo ito?" ano ba naman tanong yan Sam, sita ko sa sarili. "I mean thank you sir."
"Sabi ko naman sa'yo Nicolas na lang ang itawag mo sakin db? Ahmmm Sam?"
Tumingin ako sa kanya. Iba ngayon ang dating ni Nicolas. Ano kayang nakain nito kagabi at ganito siya ngayon. Parang biglang nag-iba siya. Parang nawala bigla ang hangin sa katawan niya. Parang.... Parang ang bait niya tignan ngayon.
"Sam... kasi.. ano.. ahm.." nauutal na sabi ni Nicolas kaya napahigop na lang siya sa kape. Siguro sa sobrang tense niya ay hindi niya namalayan na mainit ang kape. "Ouch! Ah ah!" sabay tayo sa kinakaupuan niya.
"Naku Nicolas!" nabigla rin ako't napatayo at lumapit sa kanya. "Ano ka ba?! Mainit kaya yung kape!"
"I'm fine now.. thanks." sabay hawak nito sa kamay ko.
Hindi ko namalayan na nag-blush pala ako sa ginawa niya. Binitawan nito ang kamay ko at umupo na lang ulit which is ipinagtaka ko talaga. Ibang-iba ang Nicolas na kaharap ko ngayon kompara sa Nicolas na ilan beses ko ng nakakaharap mula noon pa. Ang isa pang pinagtaka ko ay nung nag-sorry pa ito. Wow! Nicolas San Agustin, ikaw ba talaga yan?! litong tanong ko sa isip ko. Umupo na lang din ako ulit at hinintay ang sasabihin nito. Biglang umurong kasi ang dila ko at nawalan ako ng sasabihin bigla.
Huminga muna ito ng malalim bago nagsalita. "Sam, actually... Today is my 21st birthday. And ahm... ahm... I am having a party later. So ahm.. ano... Is it okay to you? I mean.." muli itong huminga ng malalim.
Ako naman ay biglang kinabahan sa kasunod na sasabihin nito. Birthday pala nito ngayon at may party siya mamaya, tapos?
"What I am dying to say Sam is that, WILL YOU BE MY DATE TONIGHT? Yes! Nasabi ko rin Whew!!" tuloy-tuloy na sabi nito at sabay hampas sa hangin matapos masabi ang pakay.
Slightly natawa naman ako sa ginawa nito. God!! Niyayaya ba nito ako maging date mamaya sa party nito? Ay hindi Sam, hindi! Tinanong ka nga ng 'Will you be my date tonight' eh! So meaning, gusto ka niya maging date niya mamaya! sagot naman ng utak ko. Isang word lang ang nasabi ko as sagot sa kanya, "Ako?"
"Yes you Sam. Ok lang ba sa'yo? Don't worry about what you'll wear. Kahit ano naman pwede. Actually, kasama mo naman sila Julia at Lanie para hindi ka mailang. Please say yes.." pagsusumamong sabi nito sabay pinagdikit pa ang dalawang palad.
Hindi ko alam ang isasagot ko. Nabigla ako sa bilis ng pangyayari. Tahimik lang akong nakatingin dito na para bang hinahanap ang kasagutan sa mukha niya.
"Sige Sam, I won't rush you. Pag-isipan mo munang maigi. Mamaya ko na lang alamin ang sagot mo pero sana say yes. Birthday ko naman today. Sana mapagbigyan mo ako kahit today lang. Kahit yun na lang ang regalo mo sakin, masayang-masaya na ako. Ha Sam?"
Nakatingin parin ako sa kanya tapos tumitingin ako sa mga bulaklak. Lutang parin ang isip ko.
"Sige, I'll go ahead na Sam. Later at 7pm na lang. Susunduin ko kayo dito. If you decided to be my date tonight, makikita pa kita ng 7pm mamaya. But if not, well... Happy birthday na lang sakin." sabay tayo nito sa upuan at lumabas na ng pinto.
Nanatili akong nakaupo sa kinaroroonan ko. Ano bang gagawin ko? Papayag ba ako? Ang mga bulaklak na ito? Bakit katulad ng mga bulaklak na nakuha ko kagabi? Sa kanya rin kaya galing ang mga iyon? Pwede kayang siya ang nagpaabot sa bata ng mga bulaklak kagabi? Pwede nga kaya yun? Saka bakit iba ngayon si Nicolas? Sa tagal na kilala ko yan taong yan ay ngayon ko lang nakitang ganyan siya. Seryoso na kaya talaga siya sakin? Totohanan na kaya ang panliligaw niya? Ang daming gumugulo sa isip ko ng mga oras na ito. Minabuti ko na lang na mag-ayos na at may mga mangilan-ngilan na kaming customers.
"Hoy Sam! Narinig ko yung usapan niyo ni Nicolas kanina. Ano sasama ba tayo sa party mamaya?" ani ni Julia.
"Oo nga Sam. Sumama naman tayo. Minsan lang mangyari satin ito sa tanambuhay natin. Bihira ang isang tulad ni Nicolas na langit eh bababa sa tulad nating lupa." segundang sabi naman ni Lanie.
"Grabe ka naman maka-lupa jan Lanie! Baka ikaw jan ang kulay lupa!" tawang sagot naman ni Julia. "Pero bff, pwera joke talaga.. join ba tayo mamaya?"
"Sige na te! Hindi naman natin kailangang magbihis ng bongga diba kasi magaganda naman tayo! Saka sabi naman ni Papa Nico eh kahit ano naman daw e pwedeng isuot." dagdag pa ni Lanie.
"Hindi halatang hindi kayo nakinig sa napag-usapan namin no! Eh lahat ng detalye, alam niyo!" sigaw ko naman sa dalawa. "Pag-iisipan ko! Tutal ang sabi niya pag-naabutan niya raw tayo rito ng alas-siyete mamaya, ibig sabihin nun ay payag ako maging ka-date niya. Pero kapag wala na siyang naabutan rito mamaya, eh happy birthday na lang daw sa kanya. Malinaw naman diba?!" nakapamewang sa sabi ko habang palabas ng dining area para mag-assist ng customers.
------,--'-,-'-{@