Kanina pa niya hinahanap ang doktora. Ngunit hindi niya ito makita at halos naikot na niya ang buong paligid pero wala ito. May kung ano kaba na bigla umusbong sa dibdib niya. Damn. Nang makita si Serna agad na nilapitan niya ito. "Serna,nakita mo ba si Doktora Amore?" casual niyang saad rito. Lumingap-lingap ito. "Hindi ah,bakit?" kunot-noo nitong turan. Pinakatitigan niya ito. May tila iba rito. Kahapon lamang panay ang dikit nito kay Amore pero buong maghapon ang lumipas hindi niya ito nakita naglalapit sa doktora kahit na magkasama pa sila ng huli kilala niya ang kaibigan kapag gusto nito ang isang babae hindi nito lalayuan ang babae pero hindi nangyari yun at kanina nga nagkasalubong ang mga ito at isang palakaibigan na bati lang ang namagitan sa mga ito. "Uh,napansin ko kasi ku

