Tahimik na pinagmamasdan ni Amore ang mahimbing na pagtulog ni Alvin sa kama nito. Maayos na muli ang nasunog nitong bahay at mukhang bago na rin. Ngayon lang siya nagpasya na puntahan ito makalipas ang ilang linggo na paglayo niya rito. Maingat siyang umupo sa gilid nito. Naningkit ang mga mata niya ng makita ang pagbabago sa mukha nito. Mahaba na ang buhok nito. Nangingitim ang ilalim ng mga mata nito. Malapit ng humaba ang balbas at bigote nito. Napabuga siya ng hangin. Totoo nga ang sinabi ni Gian sa kanya. Mukha na daw ito tumanda dahil sa kanya. Wala siya nagawa kundi titigan niya ito ng mabuti. "Bakit ngayon ka lang nagpakita sakin?" Napasinghap siya ng bigla ito nagsalita. Nagmulat ito ng mga mata at agad na nagtama ang kanila mga mata. Mabilis na hinagip nito ang braso niy

