Natigilan si Amore sa pagbaba sa hagdanan ng bahay ni Alvin ng malanghap niya ang pamilyar na amoy na iyun. Kunot-nuo na mabilis niyang nilapitan ang pintuan. Pagbukas niya ganun na lang ang pagkatigagal niya ng masilayan ang isang lalaki na matagal na niyang hindi nakikita. "Phillip?" maang niyang saad. Sumilay ang napakaganda nitong ngiti ng makita siya. "Long time no see,Amore!" anito. Niyakap siya nitong ng mariin at wala siya nagawa kundi gumanti ng yakap rito. "A-anong ginagawa mo rito? Paano mo nalaman na nandito ako?" puno ng pagtataka na tanong niya rito. Nakangiti na humiwalay ito sa kanya. "Syempre ako pa ba?!" anito na binuntutan pa ng pagkindat. "Amore?" Marahas siya napapihit at makita si Alvin na hindi maipinta ang mukha. Mukhang kanina pa ito roon. "Oh? Ipakilal

