Ngayon lang siya kinabahan ng sobra sa tanang buhay niya. Bukas na ang kasal nila ni Amore at ngayon nga ay binigyan siya ng bachelor party ng malalapit na kaibigan ng soon-to-be wife niya. Kasulukuyan sila nasa Rose-taurant at doon nila ginanap ang pagtitipon nila. "Sayang kung hindi lang kami takot sa mga asawa namin malamang may chicks dito na mag-ientertain satin," si Dwayne. "Huwag mo nga ko masali-sali dyan sa kalokohan mo,hindi rin ako papayag na may babae sa gabing ito,"si Erol. "Talagang nagbago ka na,salamat sa pangbubogbog sayo ni Tita Erin,"pang-aasar ni Dwayne dito. Napangiti siya. Marami na siya nalaman sa mga ito sa loob lang ng ilang oras na pagsasama nila ngayon gabi. Kahit na matataas ito sa kanya pakiramdam niya magkakapantay lang sila. At hindi mo aakalain na mga l

