Mataman at tahimik na pinagmamasdan ni Amore ang nahihimbing na si Alvin sa kama nito. Nagpasya siya na magpalipas ng gabi sa bahay nito. Ngunit hindi naman siya makatulog gayun alam niya na nasa panganib ang buhay nito. Naman,kanina lang may tatlong lalaki na umaaligid sa bahay nito para sa pagpapaplano ng mga ito na patayin ang lalaki. Naikuyom niya ang mga palad. Kailangan niya maging alerto. Hindi niya papayagan na masaktan ang lalaking itinakda sa kanya. Walang sinuman ang makakapanakit rito. Maingat siyang umupo sa gilid ng kama at bahagyang kumislot ang binata na tulog na tulog pa rin. Pinakatitigan niya ang gwapong mukha nito. Nauunawaan niya na nililihim nito ang tungkol dun mula sa kanya dahiL sigurado siyang ayaw nito na mag-alala pa siya o malaman pa niya. Maingat na hi

