“Anong kaguluhan ito?!” Bulalas ni Haring Atlas nang lumabas sila sa bulwagan ay kanya-kanya nang takbuhan ang mga kawal at nagkakagulo na. “Mahal na hari!” Mabilis na bumaba si Heneral Cyrus sa kanyang kabayo dahil siya ang inutusan na ipaalam ang pagkawala ni Prinsesa Asyana sa kanyang silid. “Anong nangyayari?” usisa nito sa kanya. “S-si prinsesa Asyana. May bumihag sa kanya. Pinatay nila ang mga bantay na kawal at pati na rin ang tagapaglingkod nito na mula sa Celestria.” “Ano?!” hindi makapaniwalang tanong ni Emperador Adeo. Hindi na sila nag-aksaya ng oras sinuyod nila ang buong palasyo ng Astral ngunit kahit anino ng Prinsesa ay hindi nila matagpuan. “Asya!!!” sigaw ni prinsipe Xenos na halos hindi tumigil na libutin ang pasikot-sikot ng palasyo ngunit hindi pa rin niya it

