Matapang na hinarap ni Maliyah ang hukbo ng Celestria sa pangunguna ni Haring Arkan at ni Silas. Ilang kilometro ang layo nila sa hanganan ng Asral kingdom. “Asya! Nagpunta ka ba dito para tulungan kaming manalo sa digmaan?!” malakas na sigaw ni Haring Arkan sa kanya. Nakasakay si Maliyah sa itim na kabayo at may hawak na isang espada. Itinaas ni Maliyah ang kamay niya at mabilis na hinila ang tela na nakatakip sa kanyang mukha. “Huwag niyo siyang tignan!” malakas na sigaw ng Hari dahil sa takot na maglaho sila dahil sa sumpa. “Asya! Bakit mo ba ginagawa ito? Ako ang ama mo kaya dapat sa amin ka kumampi hindi ba?!” Sumilay ang ngiti sa labi ni Maliyah. “Ama? May ama bang gugustuhin na ipahamak ang kanyang anak sa mga kaaway?! Mapalad ka dahil wala na ang sumpa kung hindi baka na

