Malayo pa lang natanaw na ni Asyana at Marcus ang isang lalaking nakasakay sa kabayo at mabilis na tinutumbok ang daan patungo sa kanila. “Parang kilala ko ang lalaking yun, Marcus.” Sambit niya. “Ako na ang sasalubong sa kanya. Maghintay muna kayo dito, mahal na prinsesa.” Sagot nito. Tumigil sila at pinagtakbo ni Marcus ang kanyang kabayo upang salubungin ang natatanaw nilang lalaki. “Anong ginagawa niyo dito Heneral Cyrus?” nagtatakang tanong ni Marcus dahil hindi niya inasahan na babalik ulit ito sa Guenera. “Ang hukbo ng Celestria, patungo na sila sa Astral Kingdom upang sumalakay. Inutusan ako ng hari na humingi ng tulong para sa aming mamamayan.” “Ano? Ngunit bakit naman gagawin ng Celestria yun? Hindi naman kayo banta sa kanila?” nagtatakang tanong nito sa kanya. “Anong

