ASYANA Nang matapos ang kainan at inuman ay inaya niya akong maglakad at magpunta sa tabi ng ilog. Mahina ang agos nito kumpara noong huli kaming mangaling dito. “Ngayon, ipaliwanag mo sa akin kung bakit panay ang sulyap mo sa kanya?” may paninibugho niyang tanong nang humarap siya sa akin. “Masama ba? Masama bang tumingin—” “Asyana, nagagawa mo pang ngumiti kahit halos mabaliw na ako sa kakaisip kung bakit mo siya tinitignan? Hinahangaan mo ba siya?” nanghahaba ang nguso na tanong niya sa akin. “At bakit hindi? Isa si Marcus sa magiting na mandirigma ng Guenera. Sa lahat ng kawal na naririto wala pang nakakatalo sa kanya. Lalo na pagdating sa laban—” “Kaya siya natakasan ng pumana ng bangkaw kay Prinsesa Malyana noon?” paglilinaw niya. “Hindi kabisado ni Heneral Marcus ang Astra

