Episode 14: Love

2111 Words
Kinaumagahan sa birthday party ni Mimi ay nagpunta ako sa kanila. Personal niya akong inimbitahan para magcelebrate ulit ng kami-kami lang. Nasanay kasi kami sa taon taon na ginagawa namin iyon. Pero iba 'yong kahapon dahil nga 18th birthday 'yon ni Mimi. Nang makarating ako sa kanila ay hindi ko inasahan ang makakasama namin! Naroon rin pala si Matteo at Jack na nagtatawanan habang may pinag-uusapan. Napatigil naman sila kaagad nang makita ako at inaya akong maupo. “Hindi na muna. Tutulong lang ako sa kusina.” iwinasiwas ko angmagkabilang kamay at dumeretso sa kusina kung saan ay naabutan ko si tita at Mimi na busy sa paghahanda ng tanghalian namin. “Oh, Liyah!” mabilis na hinugasan ni Mimi ang kamay niya nang makita ako! Puno kasi 'yon ng flour! “Tita, mano po.” nilingon ko si Mimi na naghihintay na para salubungin ako ng yakap! “Oh my goshh! I miss my besprenn!” nagpapatawang niyakap niya ako ng mahigpit na siyang sinuklian ko rin! Ang tagal na no'ng huli kong nayakap si Mimi! Hindi ko akalaing nakaya kong gawin 'yon! Palihim akong napangiti, ang sarap sa pakiramdam na nararamdaman at alam mong may magpagkakatiwalaan kang tao. “I miss you too! So, what are we having for today?” ayon na naman ang nagugulat at hindi makapaniwalang mukha ni Mimi! “Naks! Hindi lang nagparamdam ng ilang buwan nag-eenglish na! Bet ko 'to!” nag-apir pa kami matapos magtawanan! Napailing naman si tita sa ingay namin saka ako kinamusta! “Kamusta ka naman bang bata ka? Nako, nag-alala ako sa'yo ng todo at ilang linggo kitang hindi nakita!” bulalas ni tita kaya napakagat-labi ako! “Sorry po, tita. Kinailangan ko lang pong magpahangin sandali, pero okay naman na po ako.” hawak ni Mimi ang kanang kamay ko habang nagsasalita ako. Naramdaman ko ang comfort doon kaya mas lumakas ang loob ko na magsalita. Narealize ko na kahit lumayo man ako sa kaniya ay alam kong tatanggapin niya parin ako, dahil magkaibigan kami. Siguro ay kahit anong problema ang haharapin namin, kahit pa sa lalaki ay mapapanatili ang magiging matapat na magkaibigan namin ni Mimi. Hindi ko alam, napakagaan ng loob ko sa kaniya. Siya at si tita ang pumupuno ng kulang sa buhay ko, ang pamilya. Simula nang mawala sina mama at papa ay sila na ang sandigan at takbuhan ko kung may problema man ako. Humiwalay lang naman ako sa kanila nang nagkaisip na ako, nagsimula akong magdesisyon para sa sarili ko. Dahil tinuruan ako ni tita na dapat kaya kong mamuhay nang mag-isa dahil hindi naman sila habang buhay na nasa tabi ko kaya pinili kong humiwalay sa kanila. “Oh, tapos na ba 'yan, anak?” “Yes, ma! I'm just waiting sa cookie ni Liyah na maluto.” excited na tugon ni Mimi at dali-daling naglakad papunta sa akin! “Sabay tayo bukas maglakad papuntang school, ha?” natatawang bulong niya na siyang matagal ko na ring gustong marinig ulit! “Sure! Pero may kailangan kang malaman tungkol sa'kin.” tumaas baba ang kilay ko! Hindi naman 'yon sobrang laking issue, tungkol lang naman sa mga ipinagbago at pinagdaanan ko. Tutal ay ayos narin naman ako, bakit hindi ko pa ilabas lahat? Hindi ko kayang itago panghabang buhay ang nagbago sa akin, 'no! Lalo na kay Mimi! Kaya habang hinihintay namin na maluto ang mga 'yon ay nagkwento na ako. Nang matapos kami sa ginagawa ay nakangiting inilapag namin sa mesa ang mga iyon. Kunti lang naman, tutal marunong magbake si tita at naturuan niya narin naman si Mimi ay nagbake na kami ng iba't-ibang hugis at uri ng cookies. “This smell taste sooo.. good! As always!” makulit na hinalikan pa ni Jack ang iilang daliri at ikiniskis ang magkabilang palad! “Ikaw talagang bata ka! Hala sige, magsikain na kayo, babalik lang ako sa harap.” natatawang umiling si tita saka kami iniwan sa sala! Habang kumakain ay panay ang pag-iingay ni Mimi na nakasanayan narin namin! Pero hindi ko inaasahang mababanggit niya si Alex at Juliana! “So are you close with her?” si Jack! Ramdam ko ulit ang palihim na pagnakaw ng tingin sa akin ni Matteo! Hindi ko alam kung bakit sa tuwing lilingunin ako ni Matteo ay may mararamdaman akong kiliti sa buong katawan ko! “Kunti lang. We've meet sa festival kasi no'ng nasa primary school ako. We used to be bestfriends before.” matapos sabihin 'yon ay nilingon ako ni Mimi! “Not until I met Liyah!” parang nakuryente pa ang gaga sa likot at mabilis na niyakap ako! “She knows Alex and Juliana, too.” makahulugang tinitigan niya si Mimi at Jack! Agad na lumipat kay Matteo ang paningin ko! Kumunot ang noo ko! Para saan naman kaya ang inamin niya? Hindi ko naman gaanong kakilala si Juliana, si Alex lang naman ang nakalapit ko! “T-talaga, Liyah?” nahalata ko ang pag-iiba ng awra ni Mimi! Ganoon rin si Jack na nagulat! “Yes.. why?” takang tanong ko, pero nagkatitigan lang silang tatlo! “Wala naman. So how'd you meet them?” si Jack na ang nagsalita! Agad na naalala ko ang unang pagkikita namin ni Alex. One time kase, nasa mall ako no'n, specifically, nasa food court, isa sa mga madalas kong tambayan two months ago. Habang bumubili ako ng pagkain ay nabungo ako ni Alex at aksidenteng natapon ang toyo ng siomai ko sa damit niya! Tinry ko siyang tulungan sa damit niya, I personally offered him na bibilhan ko nalang siya ng bago, pero sabi niya, no need na raw. And since nga natapon rin 'yong binili niyang taco, binilhan ko nalang siya ng bago saka siya sumabay sa akin na kumain. Since then, nagkikita kami do'n sa food court without knowing na pupunta siya o ako. Nalaman niya rin ang tungkol sa depresyon ko dahil naabutan niya akong umiiyak sa usual na inuupuan kong table, eksaktong nag bebreak down ako. “How thoughtful of him to accompany you.” tatango-tangong ani Jack! Napangiti ako saglit. Actually kasi, muntik na akong nahulog kay Alex, he was my dream guy. May katangian siya na hinahanap ko sa mga lalaki. Pero the moment that I've found out na may jowa siya, sinubukan kong pigilan ang sarili ko, and aside do'n, naramdaman kong hindi talaga ako gusto ng girlfriend niya dahil sa unang pagkikita namin, kaya ayon, nangyari namang mawala agad ang nabubuong feelings ko para kay Alex. “Well, not as thoughtful as me, right?” nakangiwing bulalas naman ni Matteo! “What about Juliana? Naging magkaibigan ba kayo, Liyah?” mabilis na umiling ako sa tanong na iyon ni Mimi! Wala man lang nag-abalang sagutin si Matteo! “How she hates me!” napairap ako sa ere! Kung alam lang nila na harap-harapang ipinapakita ni Juliana sa akin ang pagkadigusto nito sa isang katulad ko! Alam ko namang pinagseselosan niya ako kay Alex, pero hindi naman siguro 'yon sapat na dahilan para kamuhian niya ako! Nang gumabi ay nauna nang magpaalam si Jack. Hinintay ko munang mag alas otso saka ako nagpaalam kay Mimi at tita, pero agad rin namang sumunod si Matteo! “Let me bring you home.” mabilis itong humabol sa akin sa labas ng kalsada! Umiling ako, “Hindi na. Kaya ko na.” “I insist.” matigas na usal nito at hinablot pa ang braso ko saka niya ako inalalayan papasok ng kotse niya! “Still choose street lights over the car, huh?” iiling-iling na pinaandar nito ang sasakyan! “I don't know why I like street lights so much. It's something that wants to remind me of something.” hindi ko mapigilan ang sarili habang sinusundan ng tingin ang mga street lights na nalalagpasan namin. Mahina lang ang pagpapatakbo ni Matteo kaya mas naeenjoy ko 'yon! Dati pa man ay gusto ko na talagang titigan ang mga ilaw na ito. Parang may gusto kasi itong iparating sa'kin na hindi ko maintindihan, hindi man lang ako tinatantanan nito. Sa totoo lang ay papayag nga ako na ubusin at igugol ang lahat ng oras ko habang nakatitig lang sa mga ilaw na ito maalala o kaya ay malaman lang ang gustong iparating sa'kin ng street lights. Mamaya pa ay huminto na ang sasakyan kaya mabilis na nagpasalamat ako sa kaniya. Agad na umibis naman ako sa sasakyan nang sagutin niya lang ako nang tango! “Iyah..” tinawag niya ako kaya hindi pa man ako nakakalayo sa pinto na nilabasan ko ay huminto na ako! “I missed you.” bahagyang umawang ang labi ko sa sinabi niya! “Please, stay healthy. You know you can count on me, as always.” marahang naipikit ko ang mga mata ko nang hilain niya ako papalapit sa kaniya at tuluyang niyakap! I felt comfort from his tight hug. I felt the sincerity in him. I felt how he cares for me. That one hug that speaks so much, means a lot to me. Napangiti ako nang tuluyang buwagin niya ang pagkakayakap sa'kin. Akala ko ay 'yon lang 'yon. Pero mas hindi ko inaasahan ang sumunod! Hinalikan niya ang noo ko! Sa lahat ng nabanggit ko kanina ay hindi ko na mawari sa rami ng ipinarating no'n sa akin! I just did not felt the comfort, the warmth, his care, the sincerity. I also felt the feeling that I've never felt since! It's love! It's love that I never felt before! And that I never thought that would've happen to me! Dahil sa gulat ay hindi ko maalis kay Matteo ang paningin ko! Parang binuhusan ng nagyeyelong tubig ang buong katawan ko! “See you tomorrow.” hinaplos nito ang mukha ko at minsan pa akong niyakap muli! Hindi parin ako nakagalaw hanggang sa namalayan ko nalang na naglalakad na siya papalayo sa akin para umalis! Hanggang sa sumapit ang alas dose ng madaling araw ay naroon parin ako at hindi maalis ang paningin sa ceiling! Hindi makapaniwala sa nangyari! Halos mapatalon pa ako dahil sa biglaang pagtunog ng cellphone ko! Malalim ang hininga ko habang inaabot ang telepono! Nang makita ko sa lock screen ang pangalan at text message ni Matteo ay mabilis ko itong binuksan! Please bring extra clothes with you, we're inviting you for dinner tomorrow night, it's moms birthday. ^_^ Napangiti ako nang makita ang smiley face na nilagay niya sa dulo ng text message na 'yon. Dati kasi ay tuldok at kama lang ang nakikita ko kapag nagtetext siya sa'kin! Agad na napuno na naman ng kiliti ang tiyan ko! “Nababaliw ka na, Alliyah!” sita ko sa sarili pero hindi ko na talaga mapigilan! Nagwawala na ako sa kilig! Ganito pala kiligin ang isang Alliyah! Parang baliw! Sigaw ko sa isip at nagpagulong gulong sa buong kama! Gusto kong sumigaw, pero hindi ko magawa dahil paniguradong tulog na ang mga kapit bahay ko! At makakaistorbo lang ako kapag ginawa ko 'yon! Kinaumagahan ay parang lantang gulay akong naglakad sa tabi ng kalsada para sumabay kay Mimi papunta sa paaralan! Bukod sa eye bags ko na tinabunan ko nalang ng may kakapalang concealer ay hindi ko talaga maiwasang maipikit ang mga mata dahil sa kulang ng tulog! Masyado akong nabagabag sa nangyari kagabi! Nang makarating ako kina Mimi ay nakita ko siyang napapapadyak sa paa habang nakatingin sa relo! Napangisi ako, napakairitable talaga nito pagdating sa oras! Ayaw na ayaw niya kasing nalelate sa klase! “Hoy, Liyah ang tagal mo naman! Tara na bilis—anak ng.. ba't ang tamlay mo, ha?! Hindi ka man lang ba natulog babae ka?!” muli ay napapikit ako! Pero hindi dahil sa antok! Dahil sa ingay na idinulot niya sa tenga ko! Inis na tinakpan ko ang magkabilang tenga! Nang tumigil na siya sa kakakuda ay itinulak ko siya para magsimula na itong maglakad! “Hindi ka ba sinusundo ni Jack?” mamaya ay inaantok na tinanong ko siya! Tutal magjowa na naman sila, bakit hindi 'yon ginagawa ni Jack? “Hindi ako pumayag. Nag-offer naman kasi siya, pero nakasanayan ko nang maglakad 'no! Kahit ako nalang mag-isa.” ngumuso ito, sigurado akong binabalikan niya ang araw araw na paglalakad niyang mag-isa papuntang paaralan. “Napapaisip nga ako kung makakasabay pa ba kitang maglakad o hindi na.” mangiyak-ngiyak na anito! Naiiyak rin naman ako, pero dahil ayaw kong madala sa pagdadrama niya ngayon ay mahinang binatukan ko siya! “Hindi pa tayo nangangalahati ng lakad, 'wag ka munang magdrama!” natatawang bulalas ko kaya natatawnang inirapan niya rin ako! “Na miss talaga kita, Alliyah!” mahigpit na niyakap namin ang isa't-isa at sabay na naluha!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD