Episode 23: New Guy

2039 Words
“Ahh!!” nagitla ang lahat sa sigaw na iyon na nanggagaling sa may kalayuan! Nanindig ang balahibo ni Alliyah nang marinig iyon! Hindi ito ang normal na sigaw ang naririnig mo! Hindi tili, hindi kung anu-ano! Isa iyong malakas na sigaw na siguradong matataranta ka! “On position!!” parang nabingi ang lahat sa sigaw na iyon ng Zenith! Mariing napapikit ang halos lahat sa kanila sa sigaw na iyon! Naramdaman nang lahat ang panginginig ng lupa na kinatatayuan nila! Kinakabahan, takot, galit, paghihinagpis, naghahalo na ang lahat ng pakiramdam na iyon na siyang inilalabas nararamdaman ng mga naroon! “Lock her up! Make sure she's away from danger!” galit ang mababasa sa mukha ng Zenith nang ituro niya si Alliyah. Nahahati na ang atensyon ng Zenith! Kailangan niyang mapanatiling ligtas si Alliyah habang sinisiguradong hindi siya mapapahamak sa pakikipaglaban sa mga dark peculiars! “No! Please! Please let me go! Just let me go home! Please!” nanayo ang balahibo ni Alliyah nang makitang nagsimula na ang gulong hinihintay nila! Natigilan siya nang makita ang isang nilalang na bigla nalang lumipad habang hawak ang sariling leeg, kinakapos ng hininga! Namilog ang mata at Labi ni Alliyah! Hindi makapaniwala sa nakita! Agad na hinila siya papalayo ng isang lalaki! “Come here! It's not safe!” Gulat man ay naiwan ang paningin at atensyon ni Alliyah sa nakahandusay na mga katawan! Pawang wala na itong mga malay! “Oh no..” natabunan niya ang nakaawang na labi nang makita pa ang iilan sa mga nasa harap niya kaninang bumagsak! “Laurin! Give her to me!” sabay na napalingon sila sa lalaking sumigaw niyon! Mabilis na tumakbo ito papunta sa kinatatayuan nila nang biglang ilagay niya si Alliyah sa likod niya! “You are not having her, Alex.” masama ang tingin nila sa isa't-isa! “You cannot have her.” “She wants to be with me. Come here, Alliyah. You'll be safe with me.” sinubukang lumapit ni Alex kay Alliyah nang biglang tabigin ni Laurin ang kamay niya! Dahil sa ginawang iyon ni Laurin ay nagalit si Alex at walang pagdadalawang-isip na umatake ito! Nanlaki ang mata ni Alliyah nang makitang umilaw ng kulay apoy ang lalamunan ni Alex! Agad na inilayo si Alliyah roon ng mga kasamahan ng Zenith! Wala sa sariling nagpatangay nalang si Alliyah! Sobrang gulo ng mga nakikita niya! ALLIYAH'S POINT OF VIEW Hindi ako makapaniwala sa nakikita! Hindi ko maalis ang paningin sa mga taong itong nagpapatayan na! Halatang hindi na sila mapipigilan! Hindi ko man malaman kung ano ang pinagsimulan ng gulo, pero pakiramdam ko ay may kinalaman iyon sa akin! Kung sa simula pa lang ay hindi ako napunta rito, mangyayari pa kaya ang mga nakikita ko? Do I really have to witness this kind of scenes? Blood, combat, super powers, people, killings. I don't know. Hindi pa ako napasok sa ganitong gulo sa tanang buhay ko! I'm so confused that I can barely move my gaze! Rinig ko ang sigawan sa paligid ko! Nakakarindi, gustong-gusto kong takpan ang tenga ko, pero hindi ko man lang maigalaw ang mga palad ko. Tanging takot, pagkadiri, at awa ang nararamdaman ko sa mga oras na ito! Paano nilang nagagawa ang ganitong bagay? Hindi ba sila nakakaramdam ng awa sa mga pinaapslang nila? Hindi ba sila nandidiri sa mga sarili nila na nabahiran na ng dugo ang mga kamay nila? Hindi ba sila natatakot sa mga ganitong bagay? Hindi ba sila nakakaramdam ng takot para sa pamilya nila? “Oh!—” napapikit ako nang masaksihan ang isa na namang pagkitil ng buhay! Nanlumo ako nang maisip na walang planong tumigil ang mga ito hanggang sa may isang groupo ang magwagi! Wala ni isang luha ang lumalabas sa akin kahit pa gustong-gusto ko ng umiyak! Ayoko sa mga nakikita ko ngayon! Hindi ito ang inaasahan ko sa lugar na ito! Takot na isiniksik ko ang sarili sa isang lalaking kasama ko! Iyon 'yong inutusan ng Zenith na bantayan ako! Patuloy na inaalalayan ako nito sa paglalakad papalayo sa gitna ng gulong iyon! Ilang sandali pa ay nakarating kami sa palasyo ng Zenith! Halos manindig na naman ang mga balahibo ko ng mapansin ang mga nakaitim na nakaabang lang sa labas ng building na 'yon! “See? Guess who came? I knew it.” isang matandang lalaki ang nagmamay-ari ng boses na iyon! May isinenyas ito sa isang tao niya dahilan para tumambad sa akin ang walang malay na so Zenith! Agad na umawang ang labi ko! Ayos lang ba siya?! Papaanong nangyaring narito na agad siya?! Bago pa man ako makalayo sa kaniya ay hindi pa siya nakakaharap ng kalaban! “Stay back.” binulong sa akin ng isang lalaki at itinago ako sa likuran niya! Pumwesto naman ang dalawa pa sa magkabilang gilid ko at nagbantay ang isa sa likod ko! Napalunok ako! Anong gagawin ko? Hahayaan ko nalang bang masaktan ang mga taong ito na ang gusto lang naman ay nasa maayos na lagay ako? Ang Zenith na walang ibang ginawa sa kaniya kun'di ang iparamdam sa kaniya ang pagkukulang ng isang magulang! Sa mga nakalipas na araw ay hindi nagkulang ang Zenith sa pag-aalaga sa akin. Hindi ko alam ang dahilan niya, pero napunan niyon ang matagal ng kulang sa akin. “Stop. Please, stop.” mariing naipikit ko ang mata kasabay ng pagbulong! Umaapaw na ang kabang nararamdaman ko nang marinig muli ang sigaw at tawanan ng mga taong ito na nasa paligid ko! Tanging ang tumatakbo lang sa isip ko ay ang matigil ang lahat ng mga nakikita at naririnig ko! Gusto kong tumigil ang mga kalaban ng Zenith! Gusto kong huminto sila sa ginagawa nang magkaroon ng matiwasay na pamumuhay ang mga narito! ~~~~~ Marahang naigalaw ko ang kamay, napakamanhid no'n na parang bagong anak ako at hindi malaman kung papaano iyong gamitin! Nang maramdaman kong nagkaroon ng buhay ang buong katawan ko ay marahan ko ring iginalaw ang bawat parte ng katawan ko! Simula sa balikat, daliri, tiyan, pababa sa paa! Malalim na humugot ako ng hininga bago iminulat ang mga mata! Napakunot ang noo ko nang magising sa loob ng kwarto ko! Mabilis na umupo ako mula sa pagkakahiga at agad na naramdaman ang sakit ng buong katawan dahil sa biglaang paggalaw ko! “A-ahh..” mahinang anas ko at nahawakan ang ulo. Marahang bumukas ang pinto ng kwarto niya kaya napabaling siya roon, mas lumala lang ang nararamdamang sakit ng ulo! “Alliyah..” agad na lumapit at naupo si Monica sa tabi niya. “Mo-monica? Anong ginagawa mo dito?” kunot ang noong tanong ko! “Uhm.. Y-you were sick.” nagdadalawang-isip man ay nasabi niya iyon! Mas lalo lang kumbot ang noo ko sa sinabi niya! Bakit parang hindi ko maalala na nagkasakit ako? Pakiramdam ko lang ay parang natulog lang ako ng isang buong araw! “I don't feel like I am?” patanong na tumugon ako, pinakikiramdaman ang sarili kung nagkasakit nga ba talaga ako. “Alliyah..” napabuntong-hininga siya at inilapag ang hawak niyang juice! “Please, makinig ka nalang sa akin, okay? You're okay now, and they'll be happy to know this.” matamis na ngumiti si Monica sa akin! Ipinagtaka ko ang sinabi niya at agad na nagtanong! “Sino namang magiging masaya?” halos pabulong na tanong ko! Kulang parin sa energy ang buong katawan, kahit ang boses ay sobrang nakukulangan! “H-ha? Don't you remember? Your friends?” agad na napaisip ako sa sinabi niya! Kaibigan? Pinilit ko ang sarili na maalala ang mga taong tinutukoy niya! Pero kahit anong pag-iisip pa ang gawin ko ay wala akong maalala! Si Monica at tita Nika lang talaga ang pumapasok sa isip ko. “Monic? How's Alliyah?” sabay na napalingon kami ni Monica nang pumasok si tita, ang mama niya. “Oh, you're already awake.” ngumiti si Tita Nika sa akin at nailapag rin sa side table ko ang dala niyang tray! “Tita..” nginitian ko silang dalawa marahang isinandal ang sarili sa headboard ng kama ko! “Ano po ba'ng nangyari?” nagtatakang tanong ko! Ano ba'ng ibig sabihin ni Monica na kaibigan ko? Ni wala talaga akong maalala kahit isa. Litong lito ang utak ko ngayon. Pati ang ginawa at nangyari noong mga nakaraan ay hindi ko na rin maalala! “Poor lady! Don't worry, nagkasakit ka lang talaga. ‘Wag mo ng isipin ang pinagsasabi ng pinsan mo.” tumango at nakampante ako sa sinabi ni tita Nika. Pero bahagyang nahahalata ko sa mukha ni Monica ang pagtataka. Ilang minuto pa ay sinusubukan ko talagang alalahanin ang mga kaibigan na naitanong sa akin ni Monica, pero wala talaga, at hindi ko na kayang mag-isip pa! Si Monica lang talaga ang kilala ko! Simula nang magising ako ng tanghali hanggang sa gumabi ay naroon sina Monica at tita Nika. Mabuti nalang at pinayagan sila ng landlady ng bh ko na manatili rito. Kinabukasan ay parang normal na araw rin lang. Kaso hindi pa ako pwedeng pumasok dahil sa panay na pagbabawal sa akin ni tita at Monica sa mga gagawin. Baka ma-istress lang raw ako ro'n kaya mas mabuting manatili muna raw ako dito. Isang hapon ay umalis sina Tita Nika at Monica. Iniwan nila ako sandali para bumili ng mga kunsumo. Naggrocery sila dahil hindi na aabot bukas ang natitirang stock namin ng pagkain. Nang may kumatok sa pinto ay nagmamadali ko itong pinuntahan, baka kasi mabilis lang talaga ang lakad nina Monica kaya buong akala ko ay sila ang mapagbubuksan ko. Pero mali ang buong akala kong iyon! Nagsalubong kaGad ang kilay ko nang tumambad sa akin ang isang lalaki! Hindi ko maintindihan ang reaksyon sa mukha niya nang magkatitigan kami! Nagulat pa ako nang bigla itong yumuko para yakapin ako at basta-basta nalang na umiyak! “Thank god your okay! I'm so worried about you!” hindi na mahitsura ang mukha ko! Inamoy-amoy pa nito ang buhok ko! Hinawakan ang magkabilang pisngi ko at matamang inobserbahan ang bawat sulok ng mukha ko! Animong tinitingnN kung may pasa ba ako o ano! Nang matapos siya sa ginagawa ay muli na naman niya akong niyakap! “I really missed you, Alliyah! It's good to know that you're doing just great!” masayang anito at paulit-ulit akong niyayakap ng mahigpit! Masyado akong nagulat sa nangyayari dahilan para hindi ako makaimik! Nagpapatangay lang ako sa ginagawa niya! Nang ilabg sandali pa ay tuluyan na siyang natahimik, doon na ako nagsalita! “Sino ka?” salubong ang kilay na tinanong ko siya! Dapat pala kanina ko pa ginawa, pero ngayon niya lang ako binigyan ng pagkakataon para magsalita! “A-are you playing a game right now... Alliyah?” natatawang balik na tanong niya sa akin! Napahawak pa ito sa baba niya at pawang nag-iisip kubg maniniwala o hindi sa sinasabi ko! “Excuse me? Hindi kita kilala. At kung pwede lang sana ay lumabas ka na? I don't know you.” paulit-ulit na lumalabas sa bibig ko ang huling salita! Kailan ka pa na nakakita na may nagpapasok ng isang estranghero sa bahay niya? Maliban nalang siguro kung bata ito at humihingi lang ng saklolo ay ayos pa. Pero ang ganitong kalaki na lalaki na bigla-bigla ka nalang kakamustahin at sasabihin nang namimis ka niya? Ewan ko nalang. Isa pa, hindi ko pa nababanggit ang pangalan ko sa kaniya, pero bakit alam niya na? Posible bang magkakilala kami dati at nakalimutan ko lang siya? Ano ba kasi ang nangyari? “Come on, Alliyah! It's me, Matteo?” sinubukan niyang ipaalala sa akin ang pangalan niya pero tanging pangalan lang talaga ni Monica ang naalala kong kilala at alam ko! “Sorry, I don't know you. Please go out. Ayaw kong maging basto—” “Alliyah? Anong...” hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko nang sumingit si Tita Nika sa usapan namin! Mabilis na pumasok sila ni Monica at ibinaba ang mga dalang ipinamili! “Excuse me, Alliyah. Kami na ang bahala rito. Magpahinga ka na ro'n.” tumango ako sa sinabi ni tita. Tutal ay natutulog ako sa ganitong oras kaya mabilis na sinunod ko si Tita Nika nang hindi na nililingon pa ulit ang lalaking nakaharap ko!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD