NAGAWA naman daw magsalita at umamin sa kanila ng tauhan nina Miranda, ngunit siguro ay naalerto na rin ang mga Aquino kaya’t wala na sila sa lugar na sinabi ng lalaking nahuli namin noon sa auction. “Gareth,” tawag ni Azriel. Lumapit kami sa kanya upang malaman kung anong kailangan ni Azriel. “Huling transaction ng mga Aquino gamit ang credit card nila ay sa Batangas. Kung tama ang hinala ko, baka sasakay sila ng barko na magmumula sa Port of Batangas,” sabi ni Azriel sa amin na siya namang inaksyunan agad ni Gareth. Sa pagkakaalam ko, si Azriel ang magaling sa mga ganitong tracing. May mga pagkakataon na nahihirapan siya dahil na rin siguro limitado lamang ang kanyang nakukuhang impormasyona, lalo na kung magaling magtago, ngunit kapag nakuhanan ka niya ng impormasyon, tuloy-tuloy n

