“SERENA…” Nakapikit ako habang yakap-yakap ni Gareth. Nagmulat ako ng aking mga mata nang marinig ko ang kanyang boses. Humiwalay ako para tingnan siya sa kanyang mga mata. Unlike kanina, mas kalmado na ako ngayon. “You should clean yourself.” Tinitigan ko lamang siya sa sinabi niya. Marahan akong tumawa at lumayo sa kanya. “Why? Do I stink?” natatawa kong tanong sa kanya kahit mukhang seryoso siya sa sinabi niya. Bahagyang tumaas ang gilid ng labi ni Gareth at umiling. “No, that’s not what I meant. Baka magising si Soleil at maabutan kang ganyan.” Naglaho ang pagtawa ko at bumalik sa blangkong ekspresyon ang mukha. Huminga ako nang malalim bago tumango. He’s right. Muli kong inilapit kay Gareth ang katawan ko at pinulupot ang aking kamay sa kanyang leeg as I buried my face on his n

