HIRAP na hirap akong huminga nang marinig ko ang balitang iyon, na maging ang paghikbi ay hindi ko magawa dahil sa bigat ng nararamdaman ko. Walang lumalabas na ingay mula sa aking bibig. Nakabukas ito pero walang kumakawalang ingay hanggang sa isang iyak ng pighati ang kumawala sa akin. “Hindi! Hindi pwedeng mamatay ang baby ko! Ang sabi ninyo, maayos ang kalagyaan niya noon. Bakit…paano namatay ang baby ko?!” Panay ang paghangos ko na hindi ko alam kung naiintidihan ba nila ang sinasabi ko dahil lumalamang ang pag-iyak. Muli kong tiningnan ang walang buhay kong anak bago ko ito maingat na kargahin sa aking bisig at yakapin. “Hindi pwedeng mawala ang anak ko!” Umiyak akong muli. “Hindi patay ang baby ko! Hindi…” Halos mawalan na ako ng lakas. All the sacrifices na ginawa ko nitong na

