“LOUISE!” Ilang beses akong napakurap dahil sa pagsulpot nina Jacob at Monique. Anak ng— kaya nga narito ako para iwasan sila, tapos sila naman itong susunod-sunod? Can’t I have my peace of mind? Bakit hindi man lang ako biyayaan ng konting katahimikan? Even just this night lang sana. Sa pagkakaalam ko, wala naman akong balat sa puwet kaya bakit lagi na lang akong sinusundan ng kamalasan? Gusto ko lang magkaroon ng konting katahimikan. Kahit sandali lang; kahit ngayon lang. Kasi alam ko naman na sa sandaling maitapak ko ang aking mga paa sa sahig ng aming bahay mamaya pagkauwi ko, siguradong babalutin na naman ako ng matinding kaguluhan sa isip at depresiyon. Ayos na nga lang na narito si Alfie ngayon dahil kahit papaano gumaan ang pakiramdam ako dahil may nak

