Louise “HOW did you find me here?” Mabilis kong ibinaba ang cellphone na kasalukuyan pa rin na nakalapat sa aking tenga kahit nasa harapan ko na si Jacob. Nagkibit lang siya ng balikat saka ibinaba na rin ang kaniyang cellphone at isinuksok iyon sa bulsa ng kaniyang maong pants. Ngumiti siya ng hindi aabot sa kaniyang mga mata. Ewan ko kung bakit, pero parang may something sa ngiti niyang iyon. Parang walang emosiyon? Parang ang lamya? Walang kakinang-kinang? Parang ang lungkot? Puro tanong, ’di ba? Marahil ay dala lang ng puyat at hang-over ’to kaya kung ano-ano ang napapansin ko. Guni-guni ko lang naman iyon, ’di ba? Wala lang iyon. Hindi siya sumagot at mataman lang na nakatitig sa aking mukha. Hindi ko tuloy maiwasang ma-conscious sa uri ng titig niya kaya ibinaling ko sa kaliw

