“SHHH . . . Hey, Louise, it’s me, Jacob. Ako lang ’to, okay? Huwag ka nang matakot.” Mula sa pagpapapasag sa yakap ng taong bigla na lang sumulpot kanina ay bigla akong natahimik nang marinig ang boses niya. Dahan-dahan nitong tinanggal ang kamay niyang nakatakip sa aking bibig saka unti-unting niluwagan ang isa pa niyang braso na nakayakap sa akin. Agad ko siyang itinulak sa dibdib palayo. Halos atakihin na ako sa takot, iyon pala ay pinagti-trip-an lang ako ng lalaking ’to? Masaya ba siya sa ginagawa niya? Masaya ba siyang nakikitang natatakot ako? “Walang hiya ka talaga! Alam mo ba iyong takot na nararamdam ko, ha? Lakas mong mang-trip, eh, ’no? Paano kung sinumpong ako ng hika ko dahil sa ginawa mo? Wala akong dalang inhaler kung sakaling inatake ako rito. Papatayin mo akong lintik

