Jacob MABIGAT ang ulong napabangon ako sa aking higaan. Napasobra kasi ako ng inom kagabi sa reunion party namin ng mga ka-batch ko noong highschool kaya ngayon ay dama ko pa rin ang matinding hilo at tila minamartilyong sakit ng ulo. Sinapo ko ng dalawang palad ang aking mukha at saka ilang segundong nanatiling nakapikit habang nakayuko sa aking mga palad. Tila pumipintig-pintig ang ugat sa utak ko’t gustong sumabog ng aking ulo dahil sa sobrang sakit. Bawat galaw ko ay nararamdaman ko ang kagustuhang bumaliktad ng aking sikmura at ilabas lahat ang laman ng aking bituka. Nahihilo man ay mabilis akong umahon sa kama nang hindi ko na makayanan ang hilo at patakbong tinungo ang cr para sumuka. Hang over. Ang sarap nga namang uminom. Enjoy at napapawi ang pagod at stress mula sa maghapon

