“NARITO tayo para mag-enjoy, hindi para saktan mo ang sarili mo! Bakit ba napaka-careless mo? Tingnan mo nga ang nangyari sa ’yo ngayon?” Halata ang pag-aalala sa boses ni Jacob kahit parang pagalit ang pagkakasabi niya ng mga iyon. Pigil na pigil ko ang sarili kong mapangiti dahil sa kilig na biglang bumalot sa aking puso. Maingat niya akong ibinaba sa isang malaking bato sa lilim ng isang puno malapit lang kung nasaan ang mga kasama namin na halos lahat ay nagulat sa inasta ni Jacob. “Huwag ka ngang oa diyan. I am perfectly fine. Wala nga akong gasgas, eh,” pigil ang ngiting turan ko kahit kanina pa gustong mapunit ang mga labi ko sa sobrang kilig na nararamdaman. Heto na naman tayo sa feelings installment ano? Kilig now, iyak later. “At talagang nagagawa

