“LOUISE, sige na, isang tagay lang.” Nabitin ang pagsubo ko ng prinitong paa ng palaka nang muli akong kulitin ni Eliza na uminom. Umiling ako at nginitian lang siya ng tipid saka muling nagpatuloy sa pagkain. Kaya nga kumuha ako ng maraming makakain dahil ayokong uminom tapos pipilitin niya ako? Nek nek niya! Sarap niyang sabunutan, sa true lang. Kanina pa ako kinukulit ng mga ’to. Ewan ko kung ano’ng trip nila sa buhay. Kung gusto nilang magpakalasing, eh ’di maglasing lang sila. Huwag silang mandamay ng iba dahil nananahimik ako rito. At isa pa, ayoko talagang uminom dahil noong huling pinainom nila ako, dinaya lang nila ako kaya nalasing ako. Ang hirap kayang malasing. Gigising ka sa umaga na masakit ang ulo tapos maghapon mo pang iindahin ang hang-over mo. Kaya never! Hindi nil

