CHAPTER 93

2006 Words

Louise MAY mga bagay talaga na kahit ano ang gawin mong pag-iwas para mangyari ay sadyang tadhana na ang gumagawa ng paraan para maganap. May mga bagay rin na kahit gusto mong panatilihing sikreto ay hindi maaari dahil mabubunyag din ito kapag tuluyan nang umalingasaw ang baho. Nakabibinging katahimikan ang saglit na pumagitna sa aming tatlo. Matapos nilang marinig ang mga salitang namutawi sa aking bibig ay tila nagkaroon ng panandaliang harang ang aming mga pagitan. Walang nagsalita, ni gumalaw ay wala rin yata. Nagmistula kaming mga pipi’t bingi sa isa’t isa. Ngunit sa huli, si Daddy na rin ang kusang bumasag sa nakatutulilig na katahimikan. Mula sa medyo madilim na parte, unti-unti siyang humakbang patungo sa aking kinatatayuan. Hanggang sa masilayan ko na nang tuluyan ang kaniyan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD