CHAPTER 03

1851 Words
ASTON’S POV DAHIL sa talagang narindi na ako sa pagmamayabangan nina Mommy Ade at Tita Purisima habang nagtatanghalian kami ay tinapos ko na agad ang aking pagkain. Maling desisyon talaga ang sumama ako dito. “Mommy Ade, Tita Purisima, excuse lang po, ha. Pwede ko bang libutin itong bahay?” tanong ko habang nakatingin ako kay Tita Purisima. “Oo naman, Aston! Walang problema. Ingat lang at baka maligaw ka sa bahay ko. Masyado kasing malaki! Kung may Google Map ka naman ay pwede mong gamitin iyon.” At sinundan iyon ni Tita Purisima ng isang mataginting na halakhak. “Naku, Purisima, `wag kang mag-alala diyan kay Aston. Sanay `yan sa malaking bahay dahil ang bahay namin ay mas malaki dito. Hindi siya naliligaw! Hindi na niya kailangan ng Google Map!” singit naman ni Mommy Ade. “Sige po.” Tumayo na ako para umalis. Mabuti naman at hindi ko na maririnig ang simpleng pagpapatalbugan nila. Nakakailang hakbang pa lang ako palayo sa kanila nang bigla akong tawagin ni Tita Purisima. “Ah, Aston. Sandali lang...” anito. “Bakit po?” “`Wag kang pupunta sa basement, okey?” “Bakit po?” “Basta...” Kumibit-balikat na lang ako. “Sige po.” At lumayo na nga ako sa kanila. Una akong pumunta sa second floor. Medyo nagkainteres kasi ako sa design ng bahay ni Tita Purisima. Parang lumang bahay noong panahon ng mga Espanyol pero sinamahan ng modern design kaya talagang humanga ako. Wala namang masyadong kakaiba sa second floor kaya bumaba na rin ako. Nagpunta naman ako sa salas na parang ang pinaka malaking parte ng bahay. Hanggang sa isang maliit na pintuan ang aking nakita na nasa ilalim ng hagdan. Iyon kaya `yong pintuan papunta sa basement? Tanong ko sa aking sarili. Pero bakit nga kaya ako hindi doon pinapapunta ni Tita Purisima? Meron ba siyang ayaw ipakita sa akin? Ano naman kaya iyon? Baka naman naroon ang mga tinatago niyang s*x toys. Hindi imposible. Dalaga siya at walang lalaki. Siguro doon niya na lang dinedepende ang s*x life niya. Sa oras na iyon ay bigla na akong kinulit ng aking curiosity. Hindi naman siguro nila ako mahuhuli kung pupunta man ako doon sa basement. Sigurado naman ako na busy ang dalawang iyon sa pagpapayabangan sa kung anu-anong bagay. Saka hindi talaga ako matatahimik hangga’t hindi ko nalalaman kung ano ang meron sa basement. Inihakbang ko na ang aking paa palapit sa maliit na pinto. Inikot ko ang door knob. Jackpot! Hindi naka-lock! At dahan-dahan kong binuksan ang pintuan na iyon. DIAMANTINA’S POV “AHHH!!! Sino kaaa???!!!” Malakas kong sigaw nang may makita akong lalaki paggising ko. Nakatayo siya sa paanan ng kama sa basement at parang pinagmamasdan niya ako kanina pa habang ako ay natutulog. Diyos ko! At ang tingin niya ay parang may... pagnanasa! Tama! Pinagnanasaan ako ng gwapo kahit hindi machong lalaking ito. Marahil ay gusto niya akong gawan ng hindi maganda. Hahalayin niya ako! “Sino ka sabi, manyak?!” sabay dampot ko ng unan at bato sa kanya. Hindi ko siya nasapulan dahil nasambot niya ang unan. Ibinato niya iyon pabalik sa akin at ako ang nasapulan sa mukha. Sa lakas ng impact ay naumpos ang ulo ko sa dingding. “Killer! Manyak! Killer! Papatayin mo ako!!!” sigaw ko pa habang hawak ang ulo kong nasaktan. “Manyak? Hindi ako manyak, ha! Saka, ano naman ang magiging dahilan para maging manyak ako?” Natatawang pagtatanggol ng lalaki sa sarili. “At bakit, hindi ba at kanina mo pa ako tinitingnan ang aking katawan habang natutulog ako?! Nakita ko! Nakita kong naglalaway ka sa legs ko! Manyak! Siguro, kung hindi pa ako nagising ay baka ginahasa mo na akong hayop ka!” medyo naghihisterikal na ako. “Excuse me, hindi ako pumapatol sa bakla!” Biglang nagpanting ang tenga ko sa sinabi niya. Tinawag niya akong bakla! Paano niya nasabi iyon? Ang bastos-bastos naman niya! Tumayo ako sa kama at bumaba. Itinulak ko siya pero hindi siya natinag. “Hoy! Para sabihin ko sa’yo, hindi ako bakla! Ang kapal! Babae ako. Ipakita ko pa sa’yo ang NSO birth certificate ko, eh!” imbyerna na talaga ako. “At saka, paano ka nakapasok dito, ha? Teka... alam ko na! Magnanakaw ka! Magnanakaw! Killer! Tapos rapist ka din, `di ba?! I will call the police and the tanods!!!” pinagbabayo ko na ang dibdib niya. Pero natigilan ako nang bigla niyang hawakan ang dalawa kong kamay. “Tumigil ka na nga! Ang O.A. mo, ha. Wala ka sa pelikula para mag-inarte ng ganiyan. Hindi ka maganda kaya `wag kang umarte na parang ganoon ka! Bisita ako ni Tita Purisima!” Natigilan ako. So, ito pala ang bisita ni tita. Ano naman kaya siya ni Tita Purisima? Baka... boylet. Naku, humaharot na rin pala si tita, ha. Grabe siya. Hindi man lang niya sinabi sa akin. Tapos sasabihin pa niya na high school classmate niya. Kaya siguro ayaw niya akong palabasin dito sa basement para pagtakpan ang kakirihan niya. Pwede naman niyang sabihin sa akin ang totoo dahil understanding naman ako. Nang kumalma na ako ay saka niya binitiwan ang aking mga kamay. Haaay... Ang init ng kamay niya. Feel ko kanina. Parang gusto ko ulit magwala at maghisterikal para hawakan niya ulit ang kamay ko. “Anak ako ng high school classmate ni Tita Purisima... At ang sabi niya, `wag daw akong pupunta dito sa basement. Eh, na-curious ako. Tapos ikaw lang pala ang makikita ko dito. Bakla!” sabay tawa pa niya. “Sinabi. Nang. Hindi. Ako. Bakla!” naiinis kong sigaw. “Gusto mo bang ipakita ko sa’yo ang pechay ko para maniwala ka?!” Sunud-sunod siyang umiling. “Naku, `wag na. Baka isang linggo akong hindi makakain `pag nakita ko iyan. Sige, na. Naniniwala na akong babae ka `wag mo lang ipakita. Hmm... Sige, aalis na ako dito. Akala ko naman may kung anong itinatago dito si Tita Purisima, wala naman pala.” “Hoy, teka, teka, teka! Hindi mo man lang ba tatanungin ang pangalan ko?” Kumunot ang noo niya. “Hindi ako interesado. Sige, diyan ka na!” Napasimangot ako. Nakakainis naman. Akala ko naman ay type niya ako kasi ang tagal niya akong kinausap. Mga lalaki talaga, oh! Lagi na lang paasa. Lagi na lang akong pinapaasa! Haaay... Ano pa ba ang ini-expect ko? Eh, ang type naman ng mga iyan ay mga babaeng maganda, sexy, malaki ang hinaharap at maambok ang pechay. Saka sanay na rin naman ako na walang lalaking magkakagusto sa akin. Panget kasi ako. Eh, ito ngang isang ito, napagkamalan pa akong bakla! Naku... kapag ako gumanda tulad ng mga panget sa telenovela at mga stories sa w*****d, hu u ang mga `yan sa akin. Ako naman ang magmamaganda at hindi mamamansin. Ayun na nga, tumalikod na iyong lalaki. Pero hindi pa man siya nakakalapit sa pintuan nang bigla kaming makarinig ng isang napakalakas na ingay. Parag isang napakatinis na tunog na napakasakit sa tenga. Sabay kaming napaupo sa sahig habang nakatakip ang dalawang kamay sa magkabilang tenga. Hindi pa nagtagal ay biglang lumindol ng napakalakas! Sa sobrang takot ko ay tumakbo ako palapit doon sa lalaki at yumakap sa kanya. Pilit kong isiniksik ang sarili ko sa kanya kahit na pinagtatabuyan niya ako. Nakakatakot kaya. “Ano ba, lumayo ka nga sa akin!” “Ayoko! Hug lang ako sa’yo!” “Nakakadiri ka! Layo! Shooo!!!” Ano ako? Aso? Kung maka-shooo naman ang lalaking ito. Grabe siya sa akin… “Ayoko natatakot—“ Hindi ko na nagawang tapusin pa ang sasabihin ko dahil isang napakalakas na pagsabog ang aming narinig. Patingin namin sa kisame ng basement ay napasigaw kami ng sabay nang makita namin na parang bibigay na iyon anumang oras. Nagkatinginan kami ng lalaking hindi ko kilala at parang nag-usap ang aming mga mata. Halos takbuhin namin ang aparador upang doon magtago. Isa pang pagsabog ang aming narinig at naramdaman namin na bumagsak na ang kisame ng basement na yari lang naman sa malalaking kahoy. Dahil hindi naman ganoon kalaki ang aparador ay talagang magkadikit ang katawan namin no`ng lalaki. Nararamdaman ko ang malalim na paghinga niya sa aking ulo. Dagdag pa na magkaharap kami niyan, ha. “Ano bang nangyari?” naguguluhan kong tanong. “Ang baho ng hininga mo. Nakakasuka!” reklamo niya. Tiningnan ko siya ng masama. “Ang arte mo! Akala mo ang gwapo mo!” “Bakit? Hindi ba?” Inirapan ko siya. Oo na, gwapo na siya. Pero mayabang. “Ano na ba talaga ang nangyari?” muli kong tanong. “Siguro ay bumagsak na `yong asteroid na sinasabi sa TV...” sagot naman niya sa akin. “What?! A-akala ko joke lang `yon?” “Ngayon, alam mo nang hindi joke `yon. T-teka... si Mommy Ade!” “Si Tita Purisima!” bumaha bigla ang pag-aalala ko sa aking dibdib. “Tita? Pamangkin ka niya?” “Ay, hindi. Nanay niya ako! Siyempre, pamangkin. Tita nga, `di ba?” “Ayos ka rin, ha! Teka nga, kailangan na nating lumabas dito. Kailangang malaman ko kung ano na ang nangyari kay mommy ko!” Sinubukan niyang buksan ang pinto ng aparador pero nahirapan siya dahil sa mga nakaharang na malalaking kahoy. Talagang tinulungan ko pa siya bago kami nakalabas doon. At ganoon na lang ang aming pagkabigla nang tumambad sa amin ang tanawin sa labas ng aparador. Mga wasak na bahay, mga nasusunog na puno at mga gusali. Walang senyales ng buhay. At doon ko naisip na isang himala ang nangyari kaya kami nakaligtas sa loob ng aparador. Ang tanging buo na nakikita namin ay ang aparador at ang dingding ng basement. “Mommy Ade!!!” sigaw ng lalaki. “Tita Purisima!!!” sigaw ko naman. Paulit-ulit naming tinawag ang pangalan nila ngunit walang sumagot. Nanlulumo na napaluhod ako sa lupa. “P-patay na sila...” naiiyak kong sambit. “Anong sabi mo?! Patay na sila?!” “Oo! Patay na sila!” “Bawiin mo ang sinabi mo. Hindi pa patay si Mommy Ade!” “Patay na siya!” “Hindi sabi!” sabay suntok niya sa akin. Sapol ako sa nguso. “Joke lang!” sabi ko sabay peace sign. Ayoko nang masundan ang suntok na `yon. Masakit! Hay... mukhang nababaliw na ang lalaking ito. In denial na siya masyado sa nangyayari. Sabagay, kung ako rin ang namatayan ng nanay sa isang iglap ay maloloka din ako. “P-pero, tingnan mo ang nangyari... Sinira ng asteroid na `yon ang Mother Earth natin. Hindi na rin ako magugulat kung pati sa Tita Purisima ay wala na...” malungkot kong sabi. Maya maya ay humarap siya sa akin. “Pero, mukhang tama ka. P-patay na nga siguro sila...” aniya habang lumuluha. Oh, tamo. Maniniwala din pala sa akin. Sinuntok pa ako. “Mukhang ganoon na nga...” Pinahid ko na rin ang luha sa aking mukha. “Teka, ako nga pala si Aston. Ikaw?” “Ako naman si Diamantina,” pagpapakilala ko naman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD