DIAMANTINA’S POV “HUWAAAT?! Gagawin niyo akong parang paanakang baboy?” Nanlalaki ang mga mata at butas ng ilong na sigaw ko kina Kiko at Theo. “No! Ayoko! Hindi!” kuntodo iling pa ako sabay kain ng sardinas. Bumuntung-hininga si Kiko. “Dimantina, hindi pa naman sure. Iyon lang naman ay kung ikaw na nga lang ang nag-iisang babae dito sa Earth.” Nangalumbaba ako. Kunwari malungkot. Nakakaloka naman kasi itong si Kiko, biruin mo, ang sabi niya sa akin kanina ay baka ako na lang ako ang natatanging babae dito sa mundo. Kung ganoon daw ay dapat kaming magparami. As in, willing siyang buntisin ako at anakan nang anakan para dumami ulit ang tao. Ghaaad! Slight kinilig naman ako pero siyempre, dapat pabebe muna ako, `no! Kunwari ayaw ko. Kunwari tutol ako. Masisisi niyo ba ako kung kiligin

