THIRD PERSON POV Napakunot ang noo ni Ethan habang nagmamaneho ng kanyang kotse nang marinig ang sinabi ng kanyang girlfriend na si Margie. Ayon kay Margie ay nag-dinner ito sa isang bagong bukas na restaurant noong nakaraang linggo kasama si Joshua, ang lalaking sinuntok ni Ethan noon dahil nalaman niyang gusto nitong ligawan si Margie kahit na ba alam nitong kasintahan na niya ang babae. Humigpit ang pagkakakapit ng mga kamay ni Ethan sa manibela ng kotse at sa kanyang isipan ay muling bumalik ang hitsura ni Joshua matapos niya itong bigyan ng ilang suntok. Nang mga sandaling iyon ay parang gustong ulitin ni Ethan ang ginawa niyang pananakit kay Joshua dahil sa matinding selos na kanyang nararamdaman. Ethan: Are you telling me you went out with Joshua without asking my permission? Huh

