LEXY's POV
Katatapos lang ng klase ko at nandito ako ngayon sa ilalim ng pinakamalaking puno sa aming campus at nagbabasa para sa exam sa susunod na linggo. Finals week na para sa unang semestre ng aking ikaapat na taon sa kolehiyo. Excited na akong gr-um-aduate at makapagtrabaho. Makapag-ipon ng maraming pera ang talagang pangarap ko sa buhay.
Habang nagbabasa at hinihintay si Mikel ay panaka-naka kong chini-check ang aking cellphone. Baka kasi mag-text si Mikel? Minsan kasi bigla na lang 'yong magyayakag na kumain kami sa labas. Natutuwa naman ako rahil kapag busy naman siya ay halos hindi na kami magkita sa buong linggo. Kahit naman hindi niya ako nasa-satisfy sa pangangailangan ko bilang babae rahil sa pagiging prude niya ay siya pa rin ang nagmamay-ari ng puso ko.
Siya pa rin ang mahal ko.
"LEXY!!!"
----------
THIRD PERSON POV
Mahinang nakikipag-usap sa kanyang cellphone ang isang babae. Kausap niya ang isang lalaki sa kabilang linya.
Babae: Ano na? Kumusta na 'yong plano natin? Baka nakakalimutan mong nagpapanggap ka lang?
Lalaki: Hindi ko naman nakakalimutan. Syempre hindi ko naman pwedeng biglain dahil unang-una, magtataka 'yon kung bakit nakikialam ako sa isang bagay na wala naman akong kinalaman. At pangalawa, kasuspe-suspetsa kung aalamin ko kung saan nakatago 'yong mahalagang bagay na pinapahanap mo.
Babae: Naiinip na ako! Gusto ko nang matapos 'to. Masyado na akong nagpapagamit sa taong gustung-gusto ko nang burahin ang mukha sa mundo. Argh! Nakakainis!
Lalaki: Relax ka lang. Chill. Walang mangyayari kung nagmamadali kang palagi.
----------
Sa isang sikat na university ay napalingon si Lexy sa lalaking tumatawag sa kanya.
Lexy: Joshua?
Magkasalubong na naman ang dalawang kilay ni Joshua.
Joshua: Bakit ba napakahirap mong tawagin?!
Nagtataas ito ng boses kay Lexy. Namumula ang pisngi sa inis.
Lexy: Syempre naka-earphone ako. Hindi ko narinig agad. At saka ano ang kailangan mo sa akin? Nakalimutan mo na ba 'yong ginawa mo sa akin last time?
Halos magdikit na ang dalawang kilay ni Joshua. Kumukunot pa ang noo nito.
Joshua: Sa pagkakatanda ko, Miss Lexy, ikaw ang nagsaboy ng ice cream sa mukha ko. Pasalamat ka at babae ka, kundi sinapak na kita.
Lexy: Ah. So kaya mo palang saktan ang kinakapatid mong maganda.
Joshua: Kung…LALAKI ka. Pero rahil babae ka, malaki ang respeto ko sa 'yo.
Lexy: WOW! Tinirador mo nga ako ng damit mo. Sana pala sinira ko na lang 'yon.
Masama na ang tingin ni Joshua kay Lexy.
Lexy: Teka nga lang. Ano ba ang problema mo? Bakit hinanap mo ako ngayon? Ano ang kailangan mo, aking kinakapatid?
Sarcastic ang pagkakasabi ni Lexy ng "aking kinakapatid".
Parang biglang namula si Joshua at napakamot ng batok. Bago iyon sa paningin ni Lexy dahil madalas na masungit o maangas ang aura ng kinakapatid niya.
Joshua: Uhm… Hihingiin ko sana 'yong contact number ni Margie. 'Yong-'yong best friend mo.
Napahalakhak ng malakas si Lexy na lalong ikinanunot ng noo ni Joshua.
Lexy: Number? Number kamo ni Margie?
Muling tumawa ng nakakaloko si Lexy. Napapahampas pa ito sa librong binabasa kanina.
Joshua: STOP!!!
Napatigil si Lexy nang marinig ang pagsigaw ni Joshua.
Joshua: Gusto ko lang naman makuha ang number ni Margie, pero ang dami mo pang sinasabi!
Lexy: Wala naman akong sinasabi. Tumatawa ako.
Joshua: Argh!
Nag-walk out si Joshua.
----------
Sa shower room sa isang bahay ay nagsha-shower ang isang lalaki nang biglang pumasok sa shower area ang isang napakagandang babae.
Naka-underwear ang lalaki habang naliligo sa ilalim ng dutsa. Nakatingala ang ulo at nakapikit. Dinadama ang paglagaslas ng tubig mula sa shower patungo sa kanyang maskuladong katawan. Pumuputok ang muscles sa katawan habang naglalandas ang tubig sa katawan nito. Napakaganda ng view para sa babaeng nakatingin sa kanya na para siyang isang masarap na ulam.
----------
Sa isang sikat na university ay naiinip na si Lexy sa kahihintay sa kanyang boyfriend. Nakakailang text at tawag na siya rito, pero hindi ito sumasagot. Kaya naman naisipan na niyang umuwi sa bahay nila.
Palabas na siya ng gate nang may tumapik sa balikat niya. Si Ethan.
Lexy: Ethan?
Hot ang description ni Lexy para kay Ethan. Gwapo ito at well-defined ang muscles sa katawan. Alam niyang may pagnanasa siya sa lalaki nang una niya itong makita. Pero ayaw niyang manggulo sa love life ng best friend niya. Kahit pa libog na libog na siya sa boyfriend nito. Si Hector talaga ang gusto niyang tumikim sa kanya. Ang ama ng best friend at ng boyfriend niya.
Ethan: Pauwi ka na?
Lexy: Ahm… Oo sana. Hindi naman kasi ako sinipot ni Mikel ngayon.
Ethan: Ganoon ba? Gusto mo sumabay ka na sa akin? On the way lang naman 'yong subdivision niyo papuntang bahay namin.
Lexy: Alam mo kung saan ako nakatira?
Biglang namula si Ethan. Napakamot ng batok. Pa-cute na nag-smile.
Ethan: Parang nabanggit sa akin ni Margie.
Napatango-tango si Lexy.
Lexy: Okay. Sige. Sasabay ako sa 'yo. Sa isang kondisyon, huwag mong sabihin kay Mikel. Seloso 'yon.
Ethan: No problem.
----------
Sa loob ng kotse ni Ethan ay nagkukwentuhan sila ni Lexy.
Lexy: Saan nga pala si Margie ngayon? Hindi man lang ako t-in-ext buong araw. O kaya sa chat man lang. Kaloka.
Ethan: She's sick, Lexy. Nagsusuka siya kagabi. Dinala siya sa hospital. Ang sabi ay may mali sa pagkain na niluto ng Daddy niya kahapon. I forgot the details, pero hindi niya talaga pinasabi sa 'yo para hindi ka mag-alala.
Lexy: WHAT?! Nagsuka siya rahil sa pagkain na niluto ng Daddy niya?!
Tumango si Ethan.
Lexy: First time yata 'yon. Never naman nagkaproblema sa mga pagkaing niluluto nila Tito Hector o kaya ni Raq…ni Tita Raquel.
Nagkibit-balikat lang si Ethan.
Lexy: Kaya rin siguro hindi ako sinipot ni Mikel ngayon ay baka rahil nasa hospital siya.
Ethan: Maaari.
Tumango-tango si Lexy.
----------
Sa shower room sa isang bahay ay malanding kinakagat-kagat ng babae ang kanyang labi habang natatakam sa putaheng nasa harapan niya. Ang lalaking nagsha-shower. Mula sa nakapikit na mata ng lalaki hanggang sa mapupulang labi nito na nakanganga at nag-aanyayang ipasok ang dila ng sinumang babae na gustong matikman ang masasarap na halik nito.
Patungo sa Adam's apple nito na parang kaysarap kagatin. Sa mga balikat nitong malalapad at sa biceps nito na nagfi-flex habang kinukuskos ang likuran nito. Ang malapad nitong likuran na kaysarap yakapin. Ang napakalaking kargada nito na nakabakat sa suot nitong white brief. Ang alaga nitong nag-aanyaya na makipaglaro sa sinumang babaeng unang pipiga rito.
Sa maumbok nitong pang-upo na puno ng muscles na kaysarap pisilin. Hindi nakapagpigil ang babae at hinatak nito ang brief ng lalaki sa likod at binitiwan para pumitik sa likod ng lalaki.
Lalaki: What the f---!
Marahas na napalingon ang lalaki at ganoon na lang ang ngiting-demonyo nito nang makita ang babaeng malanding nakapasok ang kanang hintuturo sa loob ng bibig.
Babae: Patikim…
Mga ilang minuto lang ay punung-puno na ng halinghing at ungol ang buong shower area.
----------
Ilang sandali pa ay nakarating na ang kotse ni Ethan sa tapat ng bahay nila Lexy.
Lexy: Thank you, Ethan, ah.
Ethan: No problem. Basta ikaw.
Mga ilang segundo ang dumaan na nagkakatinginan lang sina Ethan at Lexy. Parang may gustong sabihin sa isa't isa, pero nagkakahiyaan. Hanggang sa hindi na mapigilan ni Lexy ang sarili at humalik ito sa labi ni Ethan. Mabilis lang pero naramdaman ng dalawa ang init ng halik na iyon.
Nabigla si Lexy sa ginawa at nagmamadaling tumalikod at pumasok sa loob ng gate ng bahay nila.
Sa labas ng gate ay naiwang nakanganga si Ethan. Hinaplos nito ang labi at napapangiti. Inilabas ang dila at pinaglandas sa labi nito. Hindi alam ni Ethan pero para siyang nasa alapaap.
Sa kabilang side ng gate naman ay sobra ang pagkakayakap ni Lexy sa hawak nitong mga libro at nakatingala sa langit na parang nagpipigil ng kilig. Pero naguguluhan din siya sa sarili kung bakit nagawa niyang nakawan ng halik si Ethan. Hanggang masagot niya ang sariling tanong.
She's really attracted to Ethan.
----------
itutuloy…