KABANATA 12

1355 Words
THIRD PERSON POV Mabilis na kumilos sina Hector at Riza para ayusin ang kanilang sarili nang marinig nila ang boses ni Raquel mula sa labas ng pinto ng kwarto. Sinuot nilang muli ang mga hinubad na saplot. Mabilis na pumasok sa loob ng malaking closet ng guest bedroom si Hector. Binuksan naman ni Riza ang pinto at umaktong nagising sa sigaw ni Raquel. Humikab pa ito para mas kapani-paniwala. Riza: Oh, Ate Raquel. Bakit? Hinahanap mo ba si Kuya Hector? Wala siya rito. Sumilip pa sa loob ng kwarto si Raquel. Raquel: Naalimpungatan kasi ako. Pagkagising ko ay wala si Hector sa tabi ko. Pinuntahan ko sa kwarto ng mga bata, pero wala roon. Si Mikel ay hindi pa umuuwi. Riza: Alam mo naman si Mikel, maraming inaasikaso sa university. Baka roon na nagpalipas ng gabi sa isa sa mga kaklase niya? Raquel: Tatawagan ko na lang siya. Sige, Riza. Baka nasa kusina si Hector at nauhaw lang? Pasensya at nagising pa kita. Riza: Okay lang, Ate. Ako nga 'yong dapat magpasalamat at pinayagan niyo akong tumira rito sa bahay ninyo habang nagbabakasyon sa Pilipinas. Alam naman nating... Pinatigil ni Raquel sa pagsasalita si Riza sa pamamagitan ng pagdikit ng hintuturo nito sa labi nito. Raquel: Wala na 'yon, Riza. Pamilya tayo. At saka matagal nang tapos 'yon. Noong nagbalik ka rito sa Pilipinas dati ay binura ko na ang lahat ng malulungkot na alaala sa isip ko noong hindi tayo masyadong magkasundo. Mahal kita bilang kapatid, Riza. Riza: Salamat, Ate Raquel. Salamat. Nagyakap ang magkapatid at muling isinara ni Riza ang pinto ng guest bedroom. ---------- Sa kwarto nina Raquel at Hector ay nakabalik na ang lalaki mula sa silid na inookupa ni Riza. Raquel: Oh, hon. Nandito ka na pala. Nagpunta ako sa kusina para hanapin ka. Hector: Nanggaling ako ng garage. May kinuha lang ako sa kotse. Raquel: Ah. Okay. Pahiga na si Raquel nang may maalalang sabihin kay Hector. Raquel: Ahm, Hector. Gusto mo bang magbakasyon kasama ang mga bata at si Riza? Nasa hitsura ni Hector na parang ayaw nitong pumayag. Pero pumayag din sa huli. Raquel: Aayusin ko ang schedule ko, Hector. Matagal na rin simula nang huli tayong magbakasyon. Ang tanong na lang ay kung hindi ba mahihirapan sina Margie at Mikel sa klase kapag nawala sila ng one week. Hector: Sabihan natin sila bukas. Matulog na tayo, hon. Hinalikan ni Hector sa pisngi ang asawang si Raquel. Papikit na si Hector nang mag-vibrate ang phone nito at makatanggap ng text message mula kay Riza. "Thank you for the treat, Hector. Iba talaga ang bibig mo. Next time babawi ako sa 'yo." Mabilis na nag-reply si Hector. "Irereserba ko ang gatas ko para sa 'yo." ---------- LEXY's POV Lexy: Buti na lang at wala na akong klase sa hapon, Ethan. Kasi kung mayroon pa ay hindi kita masasamahan dito sa mall ngayon. Grabe! Magkasama na naman kami ni Ethan at bumabalik na naman ang guilt sa akin noong huli kaming magkita. When I kissed him on the lips. Simula nang gabing 'yon ay hindi na mawaglit sa isip ko ang mga masasarap na labi ni Ethan sa labi ko. Medyo nawawala na nga sa isip ko ang pagnanasa kay Tito Hector. Pero kung titingnan ko si Ethan ay parang hindi na niya naaalala ang nangyaring iyon. Siguro ay halik para sa isang kaibigan lamang 'yon. Ethan: And I'm so grateful, Lexy. I owe you one. Wala lang talaga akong maisip na isama kundi ikaw. Gusto ko kasing regaluhan si Margie ngayon. Para naman mag-lighten up ang mood niya. Galing siya sa sakit kaya gusto kong makita ang ngiti sa mga labi niya. Wait lang. Bakit parang nakararamdam ako ng selos? Shocks! Hindi na maganda 'to. Hindi. Attracted lang ako kay Ethan. Si Mikel ang mahal ko. Lexy: Mahilig siyang magbasa ng mga books. For sure matutuwa 'yon kapag binilhan mo siya ng libro. Ethan: I know. Pero parang mas gusto ko sanang stuffed toy ang iregalo sa kanya. Tapos sasabihin ko sa kanyang 'yon muna ang baby namin habang mag-boyfriend at girlfriend pa lang kami. Papangalanan naming Marthan. Pinagsamang Margie at Ethan. Narinig ko ang masayang pagtawa ni Ethan. May halong tuwa at pagmamahal sa tawa niya. Napakagwapo niya. Napakasarap sigurong magmahal ni Ethan. Nang makapasok kami sa bilihan ng stuffed toys ay galak na galak si Ethan habang namimili ng ireregalo kay Margie. Pinipisil-pisil pa niya ang ibang stuffed toys. Ethan: Para akong bagong tatay na namimili ng laruan para sa kanyang anak. Muli itong masayang tumawa. Habang tinitingnan ko si Ethan ay nai-imagine kong magiging mabuti siyang ama sa magiging anak niya. Biglang na-imagine ko ang sarili kong asawa ni Ethan. Siguro ay masarap maging asawa si Ethan. Sobrang sweet. No... Ano ba itong iniisip ko? Si Mikel lang ang mahal ko. Lexy: Itong kulay pink. Paniguradong magugustuhan ito ni Margie. Kinuha ko mula sa isang istante ang pink bear. Medium-sized ito. May hawak na maliit na puso ang bear at nakasulat sa gitna ng puso ang salitang "Forever". Inabot mula sa akin ni Ethan ang pink bear. Ethan: This is it. Thank you, Lexy! At niyakap ako ni Ethan. Medyo awkward kung yayakap ako pabalik kaya hinayaan ko na lang damhin ang yakap niya sa aking katawan. Nang bumitaw mula sa pagkakayakap sa akin si Ethan ay parang gusto ko siyang hatakin at yakapin. Gusto kong maramdamang muli ang init ng katawan niya sa katawan ko. Nagkakasala ako sa aking mga iniisip. Nang mabili na ni Ethan ang pink bear ay pumunta kami sa isang fast food chain para kumain. Ethan: Hindi ba magagalit si Mikel na isinama kita, Lexy? Lexy: Nagpaalam ako sa kanya. Syempre boyfriend ka ng kapatid niya kaya hindi ka niya pag-iisipan ng masama. Nagkibit-balikat si Ethan. Ethan: Baka lang kasi may lakad kayo? Medyo napansin kong lumungkot ang kanyang mga mata. Pero baka namamalikmata lang ako rahil nakangiti na siyang muli. Lexy: Nagpapahinga rin si Mikel ngayon. Umaga na raw siya nakauwi kanina. Napuyat sa mga paper works. Ethan: Oh. I see. Nagpatuloy ang pagngata ko ng French fries habang nilalantakan ni Ethan ang burger niya. Ethan: Alam mo natutuwa ako sa best friend mo, Lexy. Walang kaarte-arte sa katawan si Margie. Noong isang beses ay sa turo-turo lang kami kumain, pero enjoy na enjoy siya. Pinagtitinginan na nga kami ng ibang mga bumibili rahil parang isang inosenteng bata si Margie habang kumakain sa turo-turo for the first time. Hindi mahirap i-please ang kaibigan mo. Lalong lumalalim ang pagmamahal ko sa kanya sa mga araw na rumaraan. Kitang-kita ko ang pagmamahal sa mata ni Ethan. Parang gusto kong managlihi at isiping ako ang nasa posisyon ni Margie. Sweet naman si Mikel at mahal ko siya, pero hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon. Paniguradong hindi ito libog. Parang gusto kong yakapin si Ethan at hilingin sa kanyang ako na lang ang mahalin. Lexy: A-ang swerte pala ni Margie sa 'yo. Dahil mahal na mahal mo siya. Ethan: No, Lexy. Ako ang swerte sa kaibigan mo. Ang dami kong failed relationship dati. Kung hindi rumating sa buhay ko si Margie ay baka bitter pa rin ako hanggang ngayon. Nakita ko ang ngiti sa labi ni Ethan. Totoong ngiti ng kagalakan. ---------- THIRD PERSON POV Masaya si Margie rahil makakapasok na ulit siya sa university bukas. Naisipan niyang mag-check ng kanyang social media account. May natanggap siyang friend request galing sa lalaking nagngangalang Joshua Dela Cruz. Ch-in-eck niya ang profile ng lalaki. Nakita niyang mutual friend nila ang best friend niyang si Lexy. Pinag-iisipan niya kung ia-accept ang request ng lalaki. Pag-check niya sa kanyang Messenger account ay may chat message ang lalaki sa kanya. "Hi. Kinakapatid ako ni Lexy Fuentebella. I sent you a friend request dahil gusto ko sanang makipagkilala. Nakakahiya nga, pero kinapalan ko na ang mukha ko. Ayaw kasing ibigay ni Lexy ang phone number mo sa akin. Promise hindi ako stalker. Admirer mo po ako." Hindi alam ni Margie pero napangiti siya sa nabasang message galing sa kinakapatid ni Lexy. Margie: Mukha naman siyang mabait. Sige na nga. Margie accepted Joshua Dela Cruz's friend request. ---------- itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD