THIRD PERSON POV Masama ang tinging ipinupukol ni Monique sa nakababatang kapatid na si Lovelle. Hindi pa rin matanggap ni Monique ang mga ipinagtapat ni Lovelle sa kanya nang nagdaang gabi. Umiibig si Lovelle kay Hector Samaniego, ang lalaking asawa ni Raquel. Si Raquel na siyang sinisisi ni Monique kung bakit hindi naging maayos ang pagsasama ng kanyang mga magulang. Napalingon sa grand staircase ng kanilang malaking bahay si Monique nang mahagip ng kanyang peripheral vision ang pagbaba ng kanilang ama roon. Si Santiago Corvejal, ang ama nina Monique at Lovelle Corvejal. Nagmamay-ari ng isang malaking hospital. Ang asawa ni Santiago na si Nieves ay ilang taon nang pumanaw. Napangasawa ni Santiago si Nieves ayon na rin sa kagustuhan ng kanilang mga magulang. Gustong tumanggi ni Sa

