Francisco's POV Nakatayo ako sa terrace ng villa, hawak ang isang baso ng red wine habang pinagmamasdan ang dilim ng dagat sa malayo. Tahimik. Walang maingay kundi ang hampas ng alon at ang mahinang ihip ng hangin. Pero kahit gano’n katahimik ang paligid, sa loob ko? Kaguluhan. Naririnig ko pa rin ang boses niya kanina. “Hindi pa ngayon.” Hindi pa siya naniniwala sa’kin. At tangina tama lang naman ‘yun. Maraming babae na ang dumaan sa buhay ko. High heels, red lipstick, mahahabang pilikmata. Lahat sila may isang layunin: either makuha ako o magamit ako. I’m not stupid. I saw through the pretense. Kaya sanay akong iwasan. I keep my walls high, my deals clean, and my personal life… off-limits. Pero si Larrisa? Hindi ko siya maikahon sa dati kong mga rules. The first time I saw her,

