Larissa’s POV Mabilis lumipas ang mga araw. Ang dating tahimik at malamig na penthouse ay unti-unting nabuhay muli napuno ng tawanan, mga bulungan, at oo… ng mga ungol na matagal nang nawala sa pagitan naming dalawa. Hindi ko man masabi nang malakas, pero araw-araw akong kinikilig sa tuwing mahuhuli ko siyang seryosong nagtatrabaho sa sala. Nakaangat ang isang kilay ganyan siya kapag may malalim na iniisip. Para bang bawat kunot sa noo niya ay isang bagay na gusto kong halikan at pakalmahin. Madalas ko siyang mahuling nakatitig sa akin habang ako’y tahimik na nagkakape. At sa halip na umiwas gaya ng dati, sinasalubong ko na iyon ngayon ng isang ngiti payapa, buo. May mga araw din kaming parang mga batang walang ibang iniintindi kundi ang isa’t isa. Nagbibiruan, naghahabulan sa sala,

