Ryder’s POV Subsub sa trabaho, alak, sigarilyo, bar kasama ang barkada… iyon ang naging libangan ko para makaiwas sa lungkot na dala ng maagang pagkawala ng asawa kong si Selene. Gabi-gabi, iba’t iba ang kasama kong babae na handang magpaubaya, handang magbigay ng pansamantalang ligaya, ngunit walang sinuman ang makakapalit sa kawalan niya. Tulad ng gabing iyon, nasa isang high-end bar kami, VIP room, kasama ang barkada ko. Bawat isa sa amin ay may kasamang babae, ngunit sa kabila ng tawa at inuman, ramdam ko pa rin ang puwang na iniwan ni Selene. Hinawakan ko ang baso ng bourbon, pinatitig sa likidong gumagalaw sa loob. Hindi ito pampalipas oras lang para itong paalala ng lahat ng hindi ko pa natatapos. Ang bawat halakhak, bawat tingin ng babae sa akin, parang panandaliang panlun

