Ryder’s POV The city never sleeps. Lalo na kapag may kasalanan itong kailangang pagtakpan. Mula sa tuktok ng ospital, tinatanaw ko ang mga ilaw ng siyudad mga ilaw na dati kong tinuring na simbolo ng kontrol, pero ngayon, paalala ng delubyong halos kumitil sa buhay ng mag-ina ko. Ang bawat tunog ng sasakyan sa ibaba, bawat pag-ikot ng hangin sa gabi, lahat may halong banta. Parang kahit saan ako tumingin, may multo ng gabi ng raid nayon. Das stood behind me, tahimik pero alerto. “May confirmation na, boss,” aniya, inabot ang isang envelope. “Yung lead na binigay ko kanina tama ang hinala natin.” Kinuha ko ‘yon, pinunit agad ang selyo. Isang larawan. Grainy, low-light shot, pero sapat para makilala ko ang mukha. My jaw tightened. “Son of a bitch.” “Inside contact,” Das added. “May ac

