Larissa’s POV Kahit tatlo na ang anak namin, hindi pa rin nawawala ang oras namin para sa isa’t isa ni Francis. Sa totoo lang, minsan iniisip ko kung paano niya nagagawang pagsabayin ang pagiging CEO, pagiging hands-on daddy sa tatlong makukulit naming anak, at pagiging asawa kong laging pinapasaya niya. Katulad ngayong gabi. Hindi ko alam kung paano niya natago sa akin ang pakulong ito. Ang sabi niya lang ay magbihis ako ng maganda dahil lalabas kami sandali. Pagbaba ko mula sa hagdan, inabutan ko siyang nakangiti, naka-black suit, at para bang bumalik kami sa mga panahon na laging may sorpresa siya sa akin noong kami pa lang. “Love…” napahinto ako nang makita ang garden namin na may mahabang mesa, kandila, bulaklak, at paborito kong wine. May live music pa sa gilid courtesy ng isang

