NAUNANG gumising si Ace kinaumagahan. Wala na siya sa kama. Ganoon din ang kaniyang daddy. Bumangon na din ako at nagtungo muna sa banyo, bago sumunod sa kanila sa labas. Nasa sala sina Ace at mga maids, nanonood. "Where's your dad?" Nilingon nila akong lima. Ngumuso si Ace at hindi sumagot kaya si Ate Abeng na ang nagsalita on his behalf. "Nasa kusina, nagluluto." Kailan pa siya natutong magluto? Remembering what happened earlier at the bathroom, I chose not to see what he's cooking for breakfast. Baka mamaya asarin lang niya ako. Ang daldal na niya. Dati naman ang tamad niyang magsalita kaya nga naiinis ako. Ngayon nasobrahan na siya sa daldal. Tapos lagi na din siyang nakangiti. Which makes him more handsome and attractive. Oh, Candy, get hold of yourself! "Parang amoy su

