Naka-all black suit ang lahat. Nagsuot naman ako ng tshirt at dark jeans at black na rubber shoes. Kaniya-kaniya silang suksok ng mga baril sa kanilang bewang. Kung kailan dadampot sana ako ng pistol mabilis na hinila ni Morgan ang kamay ko. I protested but he gave me a sharp look. "Why?" tanong ko sa nayayamot na tono. "You don't need a gun..." Hindi na ako nakipagtalo pa dahil mapapatagal lang kami. Lumabas na kami at nagpunta sa garahe. Nagtanguan ang mga tauhan bago pumasok sa kaniya-kaniya nilang sasakyan. May naunang anim na SUV sa paglabas. Napapagitnaan ang sinasakyan namin ni Morgan. Apat lang kami dito sa sasakyan. Hindi dito sumakay sina Sphinx, Colt at Ross. Tahimik kami buong biyahe. Habang palayo kami nang palayo, nadadagdagan ang kaba sa aking dibdib. Parang hinah

