Nauna nang maglakad si Ace hanggang sa elevator. Nakasunod ako at ang mga bodyguard naman ay naglalakad sa aking gilid at bandang likuran. Nang magbukas ang elevator, tahimik akong pumasok. Nilingon ako ni Ace bago saglit na sinulyapan ang mga tauhan ko. Tumikhim ako at akmang magsasalita pa lang nang magsalita siya. "I miss our home in Boracay." Alam ko. At alam ko din na double meaning ang kaniyang sinabi. He doesn't like it here. Ayaw niya sa akin. "I know, son. But for now, your mom needs a vacation. She needs to cope up from— "When she is well, can we go home?" Hindi ako nakasagot agad. Hindi na din siya nagsalita. Pagdating namin sa ground floor, dire-diretso siyang naglakad hanggang sa labas ng hospital. "Bumili muna tayo ng ice cream?" Sa gilid ng ospital ay mayroong

