TANYA “TANZ?” Nagtatakang tanong sa akin ni Axel pagkakita sa akin na nakayukyok sa labas ng unit niya. Pinuntahan ko siya sa condo niya dahil gulong-gulo ang isip ko. Tumayo agad ako habang si Axel naman ay mabilis akong nilapitan upang matulungan na makatayo. Wala akong ibang mapuntahan dahil mag-isa lang ako dito sa Maynila. Si Axel lang ang naisip ko agad na pwede kong lapitan. Nakakahiya man na dito pa ako mang-iistorbo pero gusto ko lang na may taong makakausap at mapaglabasan nang sama ng loob ko. This is too much for me to bear. Niyakap ko siya agad pagkalapit niya sa akin. My tears keep falling from my cheeks. Kanina pa ako iyak nang iyak at hindi ko mapigilan ang sarili ko. “A-axel.” Hesitant na niyakap din ako ni Axel. Naramdaman ko ang masuyo niyang paghagod sa likod ko p

