TANYA PIKIT PA ang dalawang mata ko dahil sa sobrang antok habang kinakapa ko si Dave upang yakapin pero wala akong naramdaman na katabi sa kama. Napakunot agad ang noo ko at napadilat. Pakiramdam ko ay gising na gising agad ang diwa ko. Mabilis akong napabangon. Napatingin ako sa banyo pero nakapatay ang ilaw at wala akong marinig na ingay sa loob kaya siguradong walang tao do'n. I swallowed. Nagsimula na rin ako makaramdam ng takot. Hinagilap ko agad ang mga damit kong nagkalat sa sahig at mabilis na sinuot. “Dave?” Natataranta kong tawag sa kaniya. Hindi lang ang diwa ko ang nagising kun'di ang halo-halong emosyon. Para akong nangangapusan ng hininga na naiiyak na kinakabahan. Paano kung umalis si Dave at iniwan ako? Parang hindi ko yata kakayanin kung mangyari iyon. Sinilip ko

