NAKATULALANG nakatingin lang si Tanya sa harap ng dingding habang iniisip ang sitwasyon nilang dalawa ni Dave.
Paano na silang dalawa ang naikasal? Gano'n ba sila kalasing ng araw na iyon? Sumasakit ang kaniyang ulo kakaisip pero paulit-ulit na hindi niya makuha ang sagot sa mga tanong sa isipan niya.
Nagulat siya sa pagtunog cellphone niya. Tumatawag si Dave. Hindi niya sinagot. Hindi niya alam ang sasabihin at lalong hindi pa niya alam ang gagawin sa mga oras na iyon. Pagkatapos niyang umalis sa bahay nina Dave ay dumiretso na siya sa bahay nila. Tinawagan niya rin si Lucky upang kompruntahin kung may natatandaan ito sa nangyari kagabi pero wala rin daw. Hindi na niya binanggit ang tungkol sa kanila ni Dave. Pinag-usapan na nila ni Dave na walang ibang makakaalam sa nangyari bukod sa mommy ni Dave.
Hindi niya rin alam paano niya sasabihin sa kaniyang ate Thea at Lola niya na kinasal na siya kay Dave.
She took a deep breath. Gusto na niyang sampalin at sabunutan ang sarili dahil pakiramdam niya ay mas tanga pa siya sa ate Thea niya. Ang ate niya ay padalos-dalos magdesisyon sa buhay at hindi madalas mag-isip, basta kung ano ang naisip iyon na ang gagawin. Pero ngayon hindi na niya alam paano lulusutan ang sitwasyon niya kay Dave.
Kumatok ang Lola niya at pumasok sa kaniyang kuwarto. " Tanya, nasa labas si Dave. Hinahanap ka," saad ng Lola niya.
Napalingon siya sa Lola niya. Gusto na niyang maiyak. Sinusundo na ba siya ng asawa niya?
Asawa. Hindi niya talaga matanggap na may asawa na siya. At mas lalong hindi niya matanggap na naibigay niya ang bataan niya nang gano'n-gano'n na lang.
Nanlulumo siyang tumango sa Lola niya.
"Bakit ganiyan ang hitsura mo? May sakit ka ba? inom pa more, Tanya."
Napangiwi siya sa huling sinabi ng Lola niya. Lakas makabagets talaga itong Lola niya.
"Sabihin mo na lang, La kay Dave na masakit ang ulo ko. May sakit ako, gano'n. Basta bahala ka na, La. Ayaw ko siyang makausap."
"Nag-LQ lang kayo, nagiinarte ka na. Dati naman ay para kang bulate na binudburan ng asin kapag alam mong nariyan na sa labas si Dave."
Minsan naiisip na ni Tanya kung matanda ba talaga itong Lola nila kung makapagsalita o makapangbatok sa kaniya.
"Lola naman! Basta bahala ka na sasabihin mo sa kaniya, Lola."
"Kahit ano?"
"Oo, La. Kahit ano, bahala ka na."
Tumalikod na ito at lumabas ng silid niya. Nakahinga siya nang maluwag. Mayamaya ay pumasok si Dave. Agad siyang tumayo pagkakita sa binata.
"Ano ginagawa mo rito?"
"Sabi ni Lola, pumasok na raw ako kasi masakit daw ang ulo mo. Kailangan mo raw ng kisspirin."
Laglag ang panga niya sa sinabi ni Dave. Sumilip pa ang Lola niya sa kuwarto niya dahil hindi naman iyon sinara ni Dave.
"Ikiss mo na Dave para 'di na sumakit ang ulo niyan."
Napakamot ng ulo si Tanya. "Lola!"
"Aba, Tanya. Kailangan niyong mag-usap. Kawawa naman itong apo ko kung hindi mo lalabasin. Nagpunta na siya rito para suyuin ka, 'wag ka nang magpakipot."
Huminga siya nang malalim ulit. "Sino ba talaga ang apo niyo rito, La?"
"Huwag mo nang awayin si Lola, Tanya. 'Di ba, La?" sabay niyakap pa nito ni Dave.
Inirapan niya si Dave. "Mabuti pa itong si Dave, naiitindihan ako. Ikaw na apo ko pinagagalitan mo ako." Yumakap din itong Lola niya kay Dave at inamoy-amoy pa si Dave.
Mas lalo siyang umismid kay Dave.
"Sige na, La. Mag-uusap lang kami ni Dave." Pagtataboy niya sa Lola niya.
"Aalis nga pala ako. Maiiwan ko muna kayo rito. Wala kayong gagawin, huh?!" bilin pa nito sa kanila bago lumabas ng silid.
Sinara ni Dave ang pintuan ng kuwarto ni Tanya. Umupo si Tanya sa gilid ng kama niya. Dave remained standing.
"Umupo ka nga rito." Turo ni Tanya sa upuan na kaharap ng kama niya. Sumunod naman si Dave sa inutos niya.
"Manong..."
"Dave. It's Dave. For pete' sake, Tanya. Mag-asawa na tayo."
"No! H-indi ko matatanggap iyon na mag-asawa na tayo. Dave, do something, bago malaman nina Ate ang nangyari. Mabibitin ako ni Lola nang patiwarik."
"Sino ba kasi ang nakaisip nang gano'ng plano?!"
"Oh, so ako ang sinisisi mo? Gano'n ba?! Ikaw nga 'tong lasing na lasing, eh."
"So you remember everything?"
Mabilis na umiling si Tanya. "Syempre hindi!"
"See? We were both drunk. Don't just blamed it on me."
She heaved a deep sigh. "Ano na gagawin natin? Ikaw ang magpa-annul. Ikaw ang may pera. Kakagraduate ko lang, 'di ba? utang muna ako sa'yo. Promise kapag may trabaho na ako, babayaran kita."
"Matatagalan iyon Tanya. Magcoconsult ako sa ibang lawyer. Narinig mo naman ang sinabi ni Mommy kanina, right?"
Nanlulumo siyang napatango. "Wala na iyong pangarap ko na maikasal sa simbahan. Iyong bataan ko, nabatuta mo na. Jusko, Dave. Malayong-malayo ito sa pangarap ko sa buhay." Pagmamaktol niya.
Talagang hindi matanggap ni Tanya. Nakaplano na ang lahat ng gagawin niya pagkagraduate niya.
"Bakit ikaw lang ba? I've been dreaming my whole life, marrying Nathalia and now it's gone. Damn it!"
"Ano'ng gagawin natin?"
"We should act like a married couple in front of Mom. She promised us that nobody would know about our secret. Habang inaayos ko kung paano tayo maghihiwalay. Sa company ka na magtatrabaho starting tomorrow para mas mababantayan kita. Kailangan maingat tayo sa mga sasabihin at ikikilos natin."
"Ano?! H-indi puwede! May aapplyan na ako. Alam mo iyon 'di ba? Mag-iingat naman ako. Promise, walang makakaalam."
"Look. Kailangan natin gawin 'to ngayon. Hindi puwede na malaman ito ni Nathalia, please? Gusto mo rin ba na malaman ito nina Lola at Thea?"
Mabilis na umiling si Tanya. "Tutupad ba sa usapan natin si Tita? Bakit 'di na lang kasi natin ipa-annul tapos sabihin natin na wala tayo sa katinuan ng mga oras na iyon. Marami ka naman siguradong kilala na magagaling na lawyer."
"You heard mom, right? Ayaw niyang pumayag."
"Hindi kaya, hindi nalasing si Tita kagabi?"
"What do you mean?"
Kagat-kagat ni Tanya ang kuko niya. Kinakabahan siya. Hindi kasi alam ni Dave na iyong bote ng alak na isa ay dapat iyon ang iinumin niya. Siguradong magagalit sa kaniya si Dave.
"Kasi..." Mas lalo siyang kinabahan.
"Tanya..." It's a warning tone. Napapadyak ng paa si Tanya.
"Kasi iyong isang bote ng alak, hindi talaga alak ang laman no'n. Para sa'kin dapat iyon kagabi. Kaso nawala kagabi at 'di ko na alam kung kanino napunta dahil hindi ko nakausap nang matino si Lucky. 'Di kaya napunta iyon kina Tita at Fe? kaya gano'n na lang iyong pag-ayaw ni Tita na ipa-annul natin ang kasal natin."
"Bakit hindi mo agad sinabi sa'kin kagabi na nagkaproblema na? Malilintikan na talaga iyang si Fe."
"Eh, paano na iyon? Wala na tayong magagawa dahil nangyari na. Ang kailangan natin gawan ng paraan ngayon ay kung paano tayo maghihiwalay."
"Mag-iisip pa ako ng ibang paraan bukod na makikiusap tayo kay mommy. Basta, kailangan magkasama lang tayo palagi. Para alam ni mommy na sinusubukan muna natin. Sa ngayon, iyon muna ang kailangan natin gawin."
"Paano iyong baby? Jusko, Dave! Twenty pa lang ako. Gusto ko pa i-enjoy ang buhay dalaga ko. Kakagraduate ko lang. Parang suweldo lang ni Ate noon, dumaan lang sa palad iyong pera. Sa'kin ngayon, dumaan lang sa palad ko iyong buhay dalaga ko. Wala pa nga akong trabaho."
"I told you na hindi talaga dapat natin ginawa iyon."
"Bakit ako ang sinisisi mo? Kung sana kinumbinsi mo si Nathalia na sumama, 'di ba? Oh kaya sana, hindi ka nagpakalasing kagabi."
"What do you expect me to do then? Magsaya ako kasi hindi ako sinipot ni Nathalia kaya hindi natuloy ang plano natin?"
"Kasalanan ko ba kung mahina ka dumiskarte kaya tinulungan kita?!"
"Damn it!"
"Oh, 'wag mo akong minumura! Masiyado kang mabait diyan kay Nathalia. Sunod-sunuran ka masiyado. Tanga mo kasi."
Nagkibot-kibot ang labi ni Dave sa huling sinabi ni Tanya na parang may gustong sabihin pero wala namang lumalabas sa bibig niya na salita. Wala talagang preno ang bibig ng dalaga. Nagpipigil lang si Dave dahil kaibigan niya si Tanya.
"Oh, 'di ka nakapagsalita dahil tama ako. Hindi mo man lang ginamitan ng charm-charm na sinasabi mo sa'kin tuwing may bago kang babae. Kaya siguro inaayawan ka ni Nathalia kasi ang dami mong babae!" Tuloy-tuloy na pagsesermon ni Tanya kay Dave.
"Woah. Easy. Dahan-dahan ka wifey sa pananalita mo. Baka nakakalimutan mo, asawa mo na ako." Ngumisi si Dave pagkatapos. Diniinan niya pa ang salitang wifey to emphasize na asawa na niya ito.
Naningkit ang mata ni Tanya.
"Baka nakakalimutan mo rin, asawa mo nga ako. Baka gusto mong malaman ni Nathalia na may asawa ka na." Ngumiti rin si Tanya at tinuro rin ang sarili. Ngiting tagumpay dahil biglang namutla si Dave sa sinabi niya. Ngumisi siya lalo at tinaasan ng kilay si Dave. "So ano na, hubby?" tudyo pa niya.
"F-ck!"