Kabanata 84 PUNO NG TAKOT AT KABA SA AKING dibdib ng makita kami ni Ron-ron habang may ginagawa kami ni Kawhi sa kusina. Mukhang katapusan na namin dalawa ni Kawhi dahil nahuli kami ng kapatid ko at magsusumbong siya for sure sa mga magulang ko. Parang gusto kung mahimatay dahil sa labis na takot na aking nadarama. Ayaw ko pa sanang malaman nila ang totoo dahil gusto ko pang dumating si ate para makausap na siya ni Kawhi. Pero mukhang mapapaaga ang pagsabog ng bomba dahil nahuli na kami ni Ron-ron. Samantalang si Kawhi ay seryuso ang mukha niya at wala akong makitang emosyon sa mukha niya. Hindi ko makita ang takot sa mukha niya habang nakatingin sa kapatid ko. Maya-maya'y narinig kung tumawa si Ron-ron kaya napalingon ako sa kanya. " Para kang nakakita ng multo ate." Nakatawa nitong

