Kabanata 132 HINDI PA TAPOS ANG KASIYAHAN sa baba pero umakyat na ako sa taas dahil napapagod na ako. Inakyat kona ang anak ko si Uno para matulog na dahil alas diyes na ng gabi. Umuwe na rin ang ibang kamag-anak namin 'yung malalayo at mga taga manila. Ang mga naiwan 'yung malalapit lang na pwede naman sila umuwe anytime. Nilisan kona ang anak ko para makapagpahinga na rin siya dahil parang hindi napapagod ang anak ko. Parang tito Kawhi niya, hindi napapagod. Matapos maglinis ng katawan ni Uno ay dinala kona siya sa kwarto saka binihisan ng pangpatulog niya saka humiga sa kama. " Alam niyo po, meme ang saya saya ko po kanina kasi marami akong ka laro." Pagkukwento ng aking anak. " Talaga po?" Nakangiti ko naman tanong sa anak. Nakita ko nga kanina na halos ng mga bata kanina ay ka l

